I Love You All Along: Chapter 6


"Yeah sure." sagot ni Andrea at lumipat sya sa tabi ko. Umupo sa tapat ni Andrea si Jane at si Rockee naman sa tapat ko. Again, gaya ng lagi kong nararamdam pag nasa tabi si Rockee, ang heartbeat ko ay mas mabilis. Di agad ako makapagsalita. hawak-hawak ko ang pizza pero blangko na naman ang isip ko. Naksentro ang lahat sa kabang nararamdaman ko. Napukaw lang ang aking pansin nang magsalita na si Jane.

"Ohh hi! You're that girl na.."


"Natapilok sa daan sa tapatng house nyo? Yeah ako nga yun. Salamat sa tulong." pagpaptuloy ko sa sasabihin sana nito. Ewan ko at bakit nasabi ko yun.


"Oh.. so how's your foot na?" may pag-aalala ring sabi nito na hindi ko alam kung totoo o kaplasikan lang. Mabait naman ako sabi nila kaya naging civil ako.


"Ok na. Kain kayo. Marami rin naman tong inorder namin." alok ko sa kanila pero iniiwasan kong tingnan si Rockee sa mata.


"Wag kayong mawawala sa party tomorrow, at Claudie, isama mo na rin yung friend mong si Lance." sabi ni Rockee at napatingin sa'kin si Andrea. Tumango na lang ako as a response sa sabi nito.
HIndi nakishare ng pizza namin ang dalawa. Dahilan nila ay hinihintay rin nila ang order nila. Habang kumakain kami ay panay ang pagsasalita ni Jane.


"Amm.. Claudie right?" tanong nito sa akin at tumango ako, "Ako nga pala si Jane, i remember kasi hindi pa ako nagpapakilala sa'yo." pagpapakilala nito.


"Jane, yeah.. Nice to meet you." sabi ko at nakipagkamay dito gamit ang bakanteng kamay ko dahil sa isang kamay ay hawak ko ang pizza.


"Sige, ipagpatuloy nyo na pagkain nyo. Pasenxe na kayo sa amin."

Binilisan ko ang pagkain ng pizza, di ko na matatgalan na kaharap sila. Si Andrea ri ay napansin kong binilisan rin ang pagkain. Ilang sandali pa ay natapos na kami at we're both full. Nang makahinga na ng maayos ay nagpaalam na kami.


"Ahmm.. jane, Rockee.. aalis na kami ha. mauna na kami sa inyo." pagpapaalam ni Andrea.


"No problem.. basta wag kayong mawawala sa birthday ni Rockee tomorrow ha.. 7pm punta na kayo." sabi ni Jane.


"Yeah.. sige.." yun lang ang sinabi ko at tumayo na kami ni Andrea at lumakad na palabas ng pizza parlor at pabalik na sa kotse.


"huminga ka na ng maayos. Nakakatawa ka kanina girl. mahal mo pa talaga sya." sabi nito at pumasok na sa loob ng kotse at doon ako sa driver's seat. Uuwi na kami at dinaan ko na si Andrea sa bahay nila.


'cge girl,, bukas ulit.. call me o puntahan mo nalang ako sa bahay kung may kailangan ka.' sabi nito at tumango lang ako. sinara na nito ang pinto ng kotse at dumiretso na ako sa bahay. Naratnan kong may dalawang kotse sa labas. Kay Lance at ang isa ay hindi ko alam kung kanino. 5pm na that time at wala akong expected na bisita. Ipinasok ko na sa garage ang kotse ko at nagtataka pa rin kung kanino ang isang kotse. Pagpasok ko sa bahay ay wala namang ibang tao sa sala kundi si yaya lang ta nanonood ng TV.


"Andun nga pala sa minibar ang kuya mo at si Lance. Puntahan mo nalang daw sila." sabi ni yaya sa akin pagkapasok ko. Whatt?? my brother is here? My gosh.. i remember ang huling sabi nito sa akin bago ito umalis at nangibang bansa. "At the age of 23 na wala pa ring papalit sa Rockee na yan sa puso mo, ako na ang maghahanap ng lalaki para sa'yo." i remember i only have half a year bago mag-23.. how i wish nakalimutan nya na yun.

Pinuntahan ko na sila sa minibar ng bahay ko at naabutan ko sila doon na nag-iinuman.


"Kapatid ko!!! kumusta ka na??!" inilapag nito sa mesa ang bote ng beer at lumapitsa'kin para yakapin ako. Well close kaming kuya ko para malaman ng lahat at close na rin si Kuya at si Lance. Close kami kahit 5 years rin ang gap namin.

Mahigpit ang yakap nya at alam kong sinasadya nito.


"Aray naman kuya, masakit na yun ah.." sabi ko at sinuntok ito sa braso. Inakbayan ako nito at lumapit sa amin si Lance.


"Sabi ni Lance neighborhood mo na daw yung Rockee mo ah.." sabi nito sa akin na nakangiti. tutuksuhin na naman ako nito. Nakikinig lang sa amin si Lance at hindi sumasali sa usapan.


"Asan ang asawa mo at mga pamangkin ko?" tanong ko sa kanya at pag-iiwas na rin sa usapan.


"Asuss.. ang kapatid ko, iniiwasan mo ang topic eh.. gusto ko na ring makilala ang Rockee mo."


"HIndi ko pag-aari yun kuya.." inalis ko ang kamay nito at umupo sa upuan na nandun umupo rin si kuya sa tapat ko at sa tabi ko si Lance.


"Well.. malapit ka ng mag-23 at hindi ko pa rin nakakalimutan ang sabi ko sayo noon."


"Bakit ano bang sabi mo?" tanong ko kunwari di ko na maalala.


"Isusumpa kitang maging matandang dalaga" biro nito. Nagtawanan kaming tatlo. "You're attending a party tomorrow diba? Birthday ni Rockee?? Isama mo na rin ako.." sabi ng kuya ko.


"Kakahiya naman kuya.. Wag nalang."


"siya na lang isama mo Claudie, May lakad ako bukas eh.. hindi ako makakasama sayo."


"But you promised na sasama ka diba? Sabi mo you'll make it up to me." may pagtatampo sa tono ko.


"Sorry, maybe some other time nalang. Pagbigyan mo nalang kuya mo, minsan lang kung umuwi yan di mo pa pagbibigan." sabi ni Lance.


"Hmmmp! ok fine. Sige kuya.. sama ka sa akin bukas. kainis ka talaga Lance." nagtawanan ang dalawa.


'Wag mo akong ipapahiya dun kuya ha.. gugulpihin talaga kita!" birong banta ko sa kuya ko. actually, naiinis ako. iba kasi ang ugali ng kuya ko at baka anong trip na naman ang maisipan nito bukas. Noon kasi kung hindi ko sya pinigilan ay ipapahanap nya si Rockee at ihaharap daw nya ito sa akin para sumaya na ako. Pabiro lang ng sinabi nya yun pero minsan kasi at tinototoo nya talaga ang mga akala kong biro lang.

Sa bahay na nagdinner si Lance at si Kuya naman ay isang linggong mananatili sa bahay.. Hindi daw muna sya uuwi sa amin dahil gusto nya ng kapayapaan. Hahaha! Puro pa rin kalokohan ang kuya ko.
Kinabukasan sa party ay kasama ko si kuya. Hindi talaga naasama si Lance dahil sa importante ang naging lakad nito at may kinalaman sa negosyo.


kasabay ko si Andrea at ang kuya Charlie na pumunta dun at dala namin ang kanya-kanyang regalo para sa celebrant. Isang rolex watch lang naman ang regalo ko kay rockee. Mahal rin ang bili ko nito ah.. Ewan ko nga lang kung anong regalo ni Kuya para kay Rockee, di naman sila friends.


Maraming bisita... ang iba kilala ko, mga kapitbahay namin ang iba naman hindi pero andun ang pamilya ni Rockee. Namumukhaan ko pa rin ang pamilya nya. Lagi naman kasi kung i-check ko ang FS nya. Ngayon nga lang natigil kasi nasa malapit na sya.

Sinalubong kami ni Jane at Rockee, at nangyari ang bagay na ikinabigla ko.
"Charlie!! kumusta ka na? Buti nakapunta ka!" sabi ni Rockee at nagshakehands sila. di ko alam kung kanino ako titingin.. sa kuya ko o kay Rockee.. magkakilala sila? di ko alam yun ah.. Napansin kong maging si Andrea ay nagulat rin.


"Hi charlie, i'm glad you came back!" maligayang bati ni Jane. Maging si Jane ay kilala rin ang kuya ko.

"Rockee, asikasuhin mo na sila ha at pupuntahan ko lang ang ibang bisita." pagpapaalam ni Jane.


"Happy Birthday nga pala! eto regalo ko." binigay ni kuya ang regalo nya kay rockee at ganun din ang ginawa namin ni andrea. Tinanggap ito ni Rockee at inilagay sa table ng mga gifts na malapit sa amin at binalikan na kami.


"Dun tayo sa table nyo. Tara. Thank you pala sa pagpunta nyo claudie at andrea."

Inihatid kami nito sa table at iniwan na agad dahil kailangan pa nitong i-entertain ang ibang bisita. Kumuha na kami pagkain at bumalik ulit sa table. Pagkatapos naming kumain ay inusisa ko na ang kuya ko.

"Magkakilala kayo ni Rockee?? Saan? Paano? Bakit di mo sinabi sakin kuya?"


"Di ka naman nagtanong sakin eh.." sagot nito sa kin na parang gusto na naman akong inisin.


"Mag-asawa na ba sila ni Jane? Kuya, sabihin mo sa kin ang alam mo tungkol sa kanila.. kuya naman... pano mo sila nakilala at hindi mo pa sinabi sakin?"


"Claudie, wala nang thrill kung sasabihin ko sayo ang lahat ng alam ko tungkol sa kanila. It's for me to know and for you to find out. Magaling ka dun di ba?? ang mag-imbestiga? Well gawin mo yun."


"Pero kuya?? Pano mo nagawang hindi sabihin sakin? You know how much i love him.." sabi ko sa tamang lakas lang na walang ibang makrinig kundi kaming tatlo lang ni Andrea at ang kuya ko.


Tumawa ito bago ako sinagot. "Lovelife mo yan. wala kang makukuhang sagot sakin dun sa mga tanong mo."


"Para naman tayong di magkapatid nyan eh. Tell me na kuya.. please..." may pagtatampong sabi ko sa kanya. Napansin kong parang matatawa na si Andrea at siguro dahil sa mga sinasabi ko at sa mga nangyayari.


"Hindi tatalab sa akin yan Claudie so stop begging like a beggar." yun na ang huling sinabi ng kuya ko at iniba na nito ang topic.


im still puzzled kung paano nagkakilala si Kuya at Rockee and kung bakit walang gustong sagutin si kuya ni isa sa mga tinanong ko. hmmm.. bakit nga ba?

Nasa labas na ako at nagmumuni-muni habang hinihintay si Kuya na nasa loob at kausap ang mga bagong kakilala ng may marinig akong footsteps mula sa likod ko. Paglingon ko ay si Rockee pala.

"Why are you here outside? Aren't you enjoying the party? Nabusog ka ba?" sunod-sunod na tanong nito sa akin.


"Why are you here either? You're supposed to be there entertaining your guests. Anyway happy birthday." Sabi ko naman sa kanya.


"Well thank you."


"Alam ba ni Jane na andito ka at kausap ako?"


"yes. alam nya. bakit? Are you afraid na sugurin ka nya rito?"


"No, I can fight her myself." pagkasi ko nun ay mas lumapit sya. Kinabahan na naman ako.. parang gusto ko ang bumagsak sa lupa sa sobrang kaba. Sana himatayin nalang ako para di ko na malaman ang susunod na mga mangyayari. malapit na malapit na sya. Wala namang ibang taong makakakita sa amin dahil medyo natabunan kami ng isang malaking halaman. At nagsalita ito.


"5 years ago, there was a girl na sa phone ko lang nakakausap at nakakatext. she promised she'll wait for me at magkikita kami pero di nya nagawa. after 5 years, here she is now, sa harap ko, so near. Neighbor ko pa." sabi niya sa akin.. At bigla akong nakaramdam ng matinding lungkot.


"5 years ago, there was a boy na minahal ko ng sobra-sobra kahit di ko pa sya nakita but he left me. He never came back for me. and for 5years sya nalang ang lalaking minahal ko. So sad that now he's near but not mine." pagkasabi ko nun ay tumulo na ang luha sa mga mata ko. Tiningnan ko si rockee sa mga mata and then there it goes again..


I felt his lips touching mine. So gentle.. Parang ayoko ng matapos. I can feel he still love me. Napapikit ako but suddenly naitulak ko sya.


"This is wrong rockee! Bakit mo ba ginagawa to?? You have Jane at wag mo kaming pagsabayin!!!"


"No Claudie.."


Tatalikuran ko na sana sya but he grabbed my arm at hinawakan ito ng mahigpit.


"Let me go Rockee!!"


"Pagsabayin??? Bakit? Sino bang naging two timer sa atin ha? Claudie you promised na hihintayin mo ako pero anong ginawa mo? Ginawa mo akong stupido sa pag-aakalang may naghihintay pa sakinpero wala na pala?!" May galit sa tinig nito.. at hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nya coz all along wala akong ibang ginawa kundi ang maghintay sa pagbabalik nya..




No comments:

Post a Comment