I Love You All Along: Chapter 5


Inalalayan ako ni Lance papasok ng bahay at dun na kami sa sala tumambay.


"Bakit mo ginawa yun? Lance naman, nakakahiya.. kailan ka pa naging bayulente? Bat mo sinaktan yung tao? Wala naman ginagawa sayo yun ah?" medyo galit ang tono na tanong ko sa kanya.


"Sa akin wala pero sayo meron. Claudie, nung makita ko sya na nasa papasok pa lang ng gate, gusto ko na syang sugurin. Gusto kong ipamukha sa kanya na nagkamali sya ng sinaktang babae! I saw you when you are in despair dahil sa pang-iiwan nya.!" galit nitong sagot sakin na nakatayo ngayon sa harapan ko. I can really see the anger in his expression. Di ko masisisi si Lance dahil kasama ko sya noon sa mga panahong iniiyakan ko ang isang taong di ko pa nakikita ay minahal ko na ng sobra-sobra.


"I know Lance, pero di naman ikaw ang sinaktan nya at wala syang ginawang masama sayo. Mali ang ginawa mo kaniana" pinipilit ko pa ring sabihin sa kanya na mali ang ginawa nito.


"So, ipagtatanggol mo pa sya? Mahal mo pa talaga sya ano?" nagbago na ang expression ng mukha nito. Medyo naging mahinahon na. Tumabi ito sa akin.


"alam mo naman yun eh..." mahina kong sagot.. Naging malungkot naman ang tono ng pagsasalita ko.


"Kalimutan mo na lang kasi sya. Marami pa namang iba dyan diba? Tulad ng lagi kong sinasabi sayo before, makakahanap ka pa ng iba na hindi tulad nyangsasaktan ka lang.."


Hindi ko na sinagot ang sinabing iyon ni Lance at tumayo ako.


"Can i go to my room now? Lance, gusto ko na munang magpahinga. i want to sleep." pagpapaalam ko sa kanya.


"You're not going to eat your dinner first bago ka matulog?" may pag-aalala angtono nito.


"No, wala akong gana. Cge na, umuwi ka na."


"I'm sorry about what happen Claudie. I promise I'll make it up to you."


"Hmmm.. Talaga???" biglang nagbago ang tono ko. Kapag sinasabi kasi ito ni Lance ay ako na talaga ang nasusunod at nagiging sunudsunuran na sya.


"haaayy.. yeah."


"So, we're attending his birthday party. Goodnight." pagkasabi ko nun ay hinalikan ko sya sa pisngi at patakbo ng pumunta sa kwarto ko.

Sa kwarto ko, di pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina. The kiss Rockee and i have shared, ang mga sinabi nitong hindi ko maintindihan at ang gulong ginawa ni Lance. and the party na magaganap? How am I going to face him? Well, it's al up to me.


I remember the kiss Rockee and i have shared. Sabi ko nga I love it and i want more of it. Haayy.. ngayong malapit na kami ni Rockee siguradong magbabago na naman ang flow ng buhay ko. Masaya naman ako at nasa malapit na si Rockee eh, though kinakabahan rin ako. That night, i dreamt of the same thing. Nakikipagbalikan na sya sa akin ang he's asking me if i still love him. He's telling me he loves me but i can't even answer because i can't move. and that same last scenario, i woke up. Ginising ako ng yaya ko dahil nataranta sya ng marinig ang pasisigaw ko ng Nooooooo!! Naisip ko, ang hirap palang maparalize!

I suppose maraming mangyayari sa party. And i wish na sana magkausap na kami ng maayos ni Rockee.

"Hello? Andrea?" sabi ko habang nasa kabilang linya ang aking kaibigan. Di ko naman siguro nadisturbo ang babaeng yun dahil aware ako na tanghali na ng gisingin ako ni yaya.


"Ano bang problema mo? Bat ka napatawag?" sabi nito na halata sa boses nyang bagong gising pa.


"Girl, kailangan nating mag-shopping para sa party." sabi ko na excited ang tono.


"Anong party?" hmm.. di nya ba alam/ Gosh.. baka sinadya yun ni Rockee, tapos pala dinner for two lang.. kaming dalawa..


"Hoy! anong party ba?" pag-uulit nito sa tanong.


"Birthday ni Rockee bukas.. nagpunta sya sa bahaykagabi para personal akong i-invite pero yun,, na-jombag sya ni Lance." dire-diretso kong kwento sa kanya.


"Whhattt? Sinuntok ni Lance si Rockee? Kawawa naman..." hindi ko alam kung nabigla sya o inaasahan nya ang nangyari. Alam rin naman ni Andrea ang tungkol sa sinabi ni Lance noon na gugulpihin nito si Rockee once magkita sila. Buti nga at slight lang ang nangyari kagabi.


"Anyway, what about the party pala? Si Jane ang nagpunta sa dito kagabi at nag-invite sa akin." sabi ni Andrea.


"Hmm.. alam mo? Nagtataka ako eh kung bakit parang okay lang kay Jane na kausap ako ni Rockee. Parang di nya ako kilala at di nya naaalala yung mga ginawa ko." nagtatakang sabi ko kay Andrea.


"ewan ko.. baka drama lang nila yun pero pala may plano sila.. hala ka gurl..!" birong pananakot ni Andrea. pero kinabahan ako dun ah.. naalala ko ulit ang sinabi ni Rockee na ginawa ko syang stupid before. Oh no!


"Girl, alam mo ba sabi ni Rockee sakin kahapon? sabi nya I made him feel stupid daw before.... tama ba yun?" pagsusumbong ko.


"Talaga?? bakit daw?" nagtataka ring tanong nito. Inayos ko ang aking pagkakahiga at hawak kopa rin ang telepono.


"Hindi ko nga alam eh.. kaya nagtataka rin ako."


"Girl, magkita nalang tayo. mamaya nalang tayo mag-usap. diba mag-shoshopping pa tayo?"


“yeah, sige,, maghahanda na ako."


'sige, ako rin.. bye.." paalam ni Andrea at nawala na ang nasa kabilang linya kaya binaba ko na ang phone.

Bumangon na ako at naghanda. Naligo, kumain at nag-ayos. Sakay ang car ay dinaanan ko si Andrea sa kanila na ready na rin. Nahpunta kami sa mall at nagshopping. malaki rin ang nagasta ko.

"Ang mahal ng outfit mo for tomorrow ha.. Pansin kong di ka naman masyadong nag-eeffort." pagbibiro ni Andrea sa amin habang naglalakad na kami pabalik sa kotse at dala-dala ang mga shopping bagsa na puno ng mga pinamili namin.


"Ikaw rin naman ahh.. marami rin naman yan."


"but these are not as expensive as yours"


"Pero kahit na. Bago tayo umuwi snack muna tayo." pag-aanyaya ko kay andrea."


"Sure girl, walang problema. Gutom na rin ako."

Pagkarating sa kotse ay inilagay lang muna namin ang amingmga pinamili at nagpunta sa isang mamahaling pizza parlor. Habang nasa pizza parlor ay itinuloy namin ang naudlot naming pinag-usapan kanina sa phone.


"So ano na nga pala yung tungkol sa sinabi ni Rockee?" pang-uusisa ni Andrea.


"Girl, he kissed me too. Nakalimutan kong sabihin sayo."


"Whhaaattt? He kissed you?" sabi nito na halatang nabigla rin sa sinabi ko.


"OA mo naman. wag ka ngang magreact ng ganyan kasi kinikilig ako." hahaha! Gusto kong matawa sa sinabi kong yun.


"First kiss mo kaya yun sa kanya. bakit ka nya hinalikan?" tanong nito na curious rin sa mga nangyari. kinwento ko sa kanya ang lahat hanggang sa dumating na ang order namin. Marami rin yun inorder namin dahil pareho kaming matakaw pagdating sa pizza pero wala kaming pakialam sa sasabihin ng iba.

Kakain na sana ako ng nagsmile si andrea. Hindi naman siguro sa akin dahil hindi sya sa akin nakatingin kundi sa likod ko. Who's at my back? then i heard a girl's voice.


"Can we join you?" sabi ng babae mula sa likod ko at paglingon ko..


oh sh*t!!! hanggang dito ba naman makikita ko pa sya and worst kasama nya ang babaeng hindi ko alam kung asawa nya na ngayon dahil nakatira na sila sa iisang bahay..




No comments:

Post a Comment