I Love You All Along: Chapter 4


Nasa kwarto na ako nakahiga. Di dumating sila mama dahil may kailangan silang asekasuhin at importante daw yun. Di ko na sinagot ang nagtext kanina. Si Andrea lang yun at pinagtatawanan ako.

"This time,this place, mis-used mistakes too long, too late who was i to make you wait? Just one chance, just one breath, just incase theres just on left coz you know you know you know!!"

Heto nanaman ako at nag-iingay sa kwarto ko. Actually di na masyadong masakit ang paa ko, ewan ko kanina kung bakit grabe ang sakit kanina, siguro it was also because of his presence. Don't make him stupid like what i've always did before??? bakit kaya? Di pa rin mawala sa isip ko ang sinabi nya sa kin kanina. Aray namann.. ang sakit rin kaya sa heart nun, ako na nga ang nagpakagaga noon eh ako pa ung nakagawa ng masama??


Tumunog na naman message alert tone ng cellphone ko. Unknown na naman?? Sino kaya to?

"it seemd lyk a dream come true. nothing has changed. 8s stil u." wierd. pareho lang to dun sa number na nagtext sakin. sino kay talaga to? Stalker? nakakatawa naman.


"Hu r u? Stalker ba kita? ang ganda2x q nman kung ganun." i replied. Dinaan ko nalang sa biro ang lahat. Pero di maiwasang isipin na si Rockee yun, lalo na at nagkita na kami ulit. Tumunog ulit ang cp ko. Ngunit hindi ang unknown number ang nagreply, si Lance ang nag-text. Ang aking gwapong bestfriend kung sabihin nga ni Rockee kanina.


"Labas naman tayo. Di kna ngpapakita sakin eh. Andito ako sa sala nyo." medyo nabigla tuloy ako sa text nya. Gago nga naman talga yun eh. Gago tawag ko sa kanya, Gaga naman tawag nya sakin. Dali2x akong lumabas ng kwaro atnagpunta sa sala, tiniis ko nalang ang medyo kumikirot ko pang paa.

Wala akong nakitang Lance sa sala. " Gago talaga yun. Naisahan ako ah." sabi ko.


"Gago ka jan. kaw ang gaga! di marunong maghanap." nasa likuran ka na pala ito. at kung saan xa galing siguradong sa kusina dahil may dala2 itong baso ng juice.


Lumabas kami ngbahay at sa terrace kami tumambay.


"Sabi ni yaya may pumunta daw na lalaki dito kanina ahh.. ikaw ha.. may tinatago ka na sakin.." sabi nito.

Nakilala ko sa Lance when i was at the state of moving on na hanggang ngayon ay di ko pa nagagawa. Naalala ko tuloy yung araw na nasa school canteen ako at nag-iisang kumakain. Marami kasi ang pagkain sa table ko nun. ako rin lang mag-isa sa table. At ewan ko ba kung bakit maraming pagkain ang binili ko. Siguro ibinuhos ko sa pagkain ang sakit na nararamdaman ko.

"Classmate ikaw lang mag-isa dyan?" sabi ng isang lalaki na familiar lang ang mukha. Gwapo ito, matangkad at maputi. Makinis pa kaysa babae, para sakin gwapo talaga sya pero sa mga panahong yun ay wala akong pakialam.

"di ka namn siguro bulag ano?" mataray kong sagot at ipinatuloy ang aking eating session.

"Nagtatanong lang naman eh. Pwedeng maki-join ng table? Wala na kasing vacant eh."

"Eh san mo naman ilalagay dyan ang pagkain mo?"

"Dito." inilapag nito sa konting space na natitira ang dala nitong tray at umupo na. "Pasenxa na nadisturbo ko yung moment mo ha." patuloy na sabi nito.

"Bakla ka ba?" diretso kong tanong. Wala na talaga akong pakialam sa mga pinangsasabi ko. pero di nya sinagot ang tanong ko.

"Ako nga pala si Lance. Classmate tayo sa isang subjct."


at simula nun ay naging magkaibigan na kami. Buti nalang at matiiisin si Lance. Natiis nya ang pagiging gaga at pagiging pala-away pag wala akong magawa. Mabait talaga ang bestfriend ko. Alam nya lahat tungkol sa lovelife ko. Lahat lahat na siguro nasabi ko sa kanya at kahit kailan pag-kailangan ko sya hindi sya nawawala.

Nagbalik sa pinag-uusapan namin ang isip ko. tungkol sa lalaking naghatid sa akin kanina. Si Rockee. At hindi ko pa ito nasasabi sa kanya.


"Yeah, actually hinatid lang ako nung lalaki. Natapilok kasi ako kanina eh. Bagong kapitbahay namin yun." sabi ko sa kanya.


"Ohh.. sabi rin ni yaya he was telling you strange things. Narinig nya kasi ang pinag-usapan nyo. Hmmm.."


"Alam mo, gusto ko na talagang isiping bakla ko." pagbibiro ko at sinundan ng tawa. Kahit noon pa ay lagi ko na syang sinasabihan na baka bakla sya dahil daig pa si Boy Abunda kung alamin ang buhay ng tao. "Do you wanna know kung sino yung lalaki?" tanong ko sa kanya.


"May plano ka bang sabihin?" sabi nito at inilapit pa ang upuan nya. Kaya ngayon ay malapit na malapit na sya.


"Si Rockee." Nag-iba ang expression ng mukha nya. HIndi ko maintindihan at hindi ko alam kung bakit. Parang galit sya na natatakot na nag-aalala. BAsta hindi ko maintindihan.


"He can't be. Wag mo nang sirain ulit ang buhay mo Claudie." sabi nito at hinawakan ang kamay ko. Tinitigan nya ako sa mata at hindi ko na naman maintindihan ang nararamdaman ko, kinakabahan ako. Nagpatuloy ito. "Just don't forget na andito lang ako Claudie. We're bestfriends."


"Alam ko naman yun eh. And thank you so much Lance."

May sasabihin pa sana ako nang napansin naming binuksan ng guard ang gate at may pumasok na lalaki. Si Rockee. Papalapit na ito sa amin at binitiwan na ni Lance ang kamay ko.


"Good evening, sorry at nadisturbo ko kayo," pagbati nito sa amin. Parang santo ah.. kainis!
"No, it's ok Rockee." natatarantang sagot ko. Alam kong napansin ito ni Lance, sa tagal na naming magkaibigan ay kabisado nya na ako. "Ahh.. Lance, si Rockee nga pala.. Rockee, si Lance."

Nagshakehands ang dalawang lalaki at nag-exchange ng nice to meet you nila. Parang gusto kong matawa. Naalala ko kasi ang sabi noon ni Lance. "If makita ko yang Rockee na yan, lagot sya sakin. Gugulpihin ko xa." Alam kong biro lang naman yun para pagaanin ang loob ko noon.


"Lance, your bestfriend, right?" tanong ni Rockee sakin. Sasagot na sana ako nang unahan ako ni Lance.


"Yeah, and you are her stupid ex diba?" pagkasabi nun ay isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Lance at sapo si pisngi si Rockee at buagsak ito dahil sa di inaasahan ang suntok na yun. Napasigaw ako ngunit di ako nakagalaw dahil sa panic. Tinotoo nga ni Lance ang sabi nya noon. Buti na lang at tumakbo agad papalapit at guard ng marinig ang pagsigaw ko. Inawat nito ang dalawa.

Tumayo si Rockee na kalmado pa rin ang expression ng mukha.


"I just want to invite you the next next day sa bahay, April 14, birthday ko, isang simple party lang naman. I hope you'll come. Pwede mo ring isama ang kaibigan mo. See you." Yun lang at tumalikod na ito at lumakad palabas ng gate.


Napatango na lang ako pagtalikod nya. Blanko pa rin ang isip ko. Kinabahan talaga ako sa nangyari. Bakit nagawa ni Lance yun?


At bakit di man lang gumanti si Rockee?




No comments:

Post a Comment