I Love You All Along: Chapter 3


Ilang minuto na ang lumipas pero di pa rin ako nakaalis sa bahay ni Andrea. Lakad dun then balik dito ang ginagawa ko. i'm still thinking of a way kung paano ako dadaan dun na di nila ako makikita. hmmm.. sana maging invicible nalang ako.

"girl, ipahatid mo na ako sa driver nyo. Gamitin natin kotse mo. cge na." pamimilit ko pa rin kay Andrea.


"Umalis si Manong at si manang inda.. namalengke. Ang arte mo pa jan.. dumaan ka nalang dun. di ka na nila kilala. Don't worry. Titingnan kita mula dito." sagot nito. At wala na akong magawa kundi maglakad pauwi at bahala na si Lord.

Palabas pa lang ako ng gate ay parang gusto ko ng bumagsak o gumapang nalang nalang pauwi. Mag.snakecrawl kaya ako? marami pa akong kalokohang naisip at natawa nalang ako sa sarili ko. Diretso ang tingin at lakad ko. Walang lingon-lingon kahit saan. Grabe ang kabang nararamdaman ko at tanging dasal ko lang ay ang di ako madapa.

"Ahhh! sh*t naman!!!!!" sigaw ko. Pagminamalas nga naman. Kakadasal ko lang na hindi ako madapa eh hindi narinig ni Lord.


"ouch..." marahan akong tumayo at napansin kong may papalapit na lalaki. Si rockee. Nilingon ko ang kinaroroonan ni Andrea and i saw her na tawa ng tawa. Kainis! Niyuko ko ang ulo ko at di pinansin ang papalapit sakin mula sa kabilang kalye. Bakit naman kasi tatanga-tanga pa ako eh.


I tried to walk faster pero masakit ang paa ko. Malapit na malapit na sya pero di ako nag-attempt tumingin. Mula sa likod ko ay narinig ko ang boses ng lalaki.

"Miss, okey ka lang? Tutulungan na kita. Saan ka ba papunta?" sabi ng pamilyar na boses na noon ay sa phone ko lang naririnig.


"Okey lang ako." sabi ko ng di pa rin lumilingon dito. Patuloy ako sa aking nagmamadaling paglalakad pero mahina pa rin pala.


"Tutulungan na kita.." sabi nito at hahawakan na sana ang braso ko ay..


"ahhhhyyy!!!!" tili ko ng muntik na naman akong bumagsak dahil sa di ko na natiis ang sakit ng natapilok kong paa. Naramdaman ko ang pagsalo nya sakin at kasabay nun ay narinig ko ang boses ng isang babaeng papalapit sa'min.


"Anong nangyari?" maypag-aalala ring tanong nito. I'm sure si Jane itong babaeng kaharap ko ngayon. Ang babae ang tinitigan ko dahil di ko pa rin kayang tingnan si Rockee.


"ahh.. pasensya na at naabala ko kayo dahil sa katangahan ko.. pasenxa na tlaga." sabi ko sa kanila at pinilit ko ulit na makatayo pero di ko nagawa. Munitk na naman akong bumagsak buti nalang at nandun pa rin si Rockee.


"Saan ba ang punta mo miss at ihahatid nalang kita." sabi ng lalaki habang nakayuko pa rin ang ulo ko.


"Ahh.. ikaapat na bahay mula dito. Yung may malaking black na gate." nakayuko pa rin ako.


"Sige. Malapit lang pala. Kee, ihatid mo na muna sya." sabi ng babae.

Narinig ko ang paglakad papalayo ng babae.Si Jane. At pinangko ako ni Rockee, sa pagkakataong yun ay di ko naiyuko pa ang ulo ko at tuluyan ko ng nakita ang lalaking naging malaking parte ng buhay ko na hanggang ngayon rin ay syang dahilan kung bakit single ako. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone sa bulsa ko pero di ko muna kinuha. Naglakad na si Rockee na karga-karga ako. Tinititigan ko sya pero nakatingin sya sa dinadaanan nya.


Wala pa rin akong masabi. Ito ba ang dahilan kung bakit ganun ang napanaginipan ko kanina? Biglang nawala ang kaba sa dibdib ko at napalitan ito ng kilig. Sana malayo pa ang bahay namin.

"Heto na tayo. Ang laki pala ng bahay nyo." compliment nito. Agad naman kaming nakita ng yaya ko at binuksan at gate kaya karga nya pa rin ako hanggang pagpasok sa loob ng bahay.


"Salamat nga pala sa tulong mo. Nakahiya naman yung nangyari sakin." pagpapasalamat ko sa kanya. Nakaupo na ako sa sofa at nakatingin lang ito sakin habang inaayos naman ni yaya ang pagkakaupo ko.


"wala yun. What are friends are for Claudie."


"You know me??" diretsong tanong dala ng pagkabigla ko. at tinitigan ko sya sa mata gayun din sya sa akin.


"Of course. Bakit? Hindi mo na ba ako kilala?" sagot nito at naglakad-lakad ito sa sala. tinitingnan ang mga picture frames at isang nailagay ko sa ibabaw ng table ayh nka-frame na song na ginawa ko para sa kanya noon.

He knows me? Hindi nya ako nakalimutan? Bigla akong nakaramdam ng tuwa dahil ang akala ko aytuluyan na nya akong kinalimutan. Pero angkapal ng mukha ng lalaking to para maging feel at home sa pamamahay ko. Aba ! Kung akala nya nakalimutan ko na ang ginawa nya sakin noo, well, nagkakamali sya.


"Ewan ko. But you seem to look familiar to me. Siguro nameet na kita before." sagot ko. Itinanggi ko na kilala ko siya dahil gusto kong makita ang magiging reaction nya. Lumingon ito sa'kin at hawak-hawak nya ang frame na kasama ko ang isang kong bestfriend na lalaki. Graduation picture namin yun at nakatoga kami at itinataas ang diploma namin. Masaya kami sa picture.

Napakunot ang noo ni Rockee. "It's me Rockee. You don't remember? Is this your boyfriend? Gwapo ahh.. mahilig ka talaga sa mga gwapo."

"He's my bestfriend. Your name name also sounds familiar." Umalis na si yaya at kami nalang ang naiwan sa sala.


"Ohh.. bestfriend pala. Tanga ka na pala ngayon? You're used to tell me before that you're smart."


"I did? When? Saan nga ba kita nakilala?" Pagdedeny ko pa rin. At lumapit ito.

"We never met. Unang pagkikita natin to in person. We were textpals before but we lost communications." Umupo ito sa tabi ko.


"Hindi ka ba hahanapin ng asawa mo?" tanong ko sa pagbabakasakaling malaaman kung kasal na sila ni Jane o live-in lang.


"Hindi ko sya asawa. I think you know that." sabi ni rockee.


"I don't know that. Hindi nga kita maala..." naputol ang sasabihin ko ng bigla kong naramdaman ang lips nya sa lips ko. He's kissing me at tinugon ko iyon. It was so passionate, so gentle and i love it.! My first kiss with him. Matapos anng sandaling yun ay hindi na ako nakapagsalita. Hinahabol ko pa rin ang aking hininga. Again. my heart is beating 3x faster than normal. Tumayo na sya.

"Well i guess nakatulong yun para maalala mo ako. Don't make me feel stupid Claudie. Like what you've always did before." pagkasabi nun ay lumabas na sya ng bahay. Umalis sya na may iniwang puzzle sa utak ko. "Like what you've always did before?" ulit ng isip ko. I never done such a thing. Sya ang gumawa ng ganun sa'kin. Bakit nya nasabi yun?




No comments:

Post a Comment