Nathan's Confession: Chapter 7



He had said it last night but he's sure if she believed it. Nagkunwari ulit siyang lasing para masabi kay Jean na mahal niya ito. Nagawa nga niya pero duda siyang papaniwalaan nito iyon. Kagabi pa siya naiinis sa sarili niya. Hindi na nga niya masabi ng maayos kay Jean ang tunay na nararamdaman niya ay naiwala pa niya ang singsing na dapat ay ibibigay niya rito.

Nang nasa beach na sila kasama ang mga kaibigan, nakita niya itong lumayo sa grupo. Hinayaan niya lang ito at hindi sinundan pero ilang sandali pa ay hindi rin niya ito natiis. Naisip niyang baka nilalamig na ito doon. Noon na niya sana ibibigay rito ang singsing pero nang dukutin niya iyon sa bulsa niya ay wala na ito doon. At isa pang ikinaiinis niya ay hindi siya nito inihatid pauwi. Pinagtawanan pa siya ni Gerard nang sabihin rito ni Jean na ihatid siya dahil lasing daw siya. Alam naman kasi ng kaibigan niyang hindi siya lasing.

Bakit ba ang torpe mo Nathan? Gusto na niyang batukan ang sarili. Wala talagang naidudulot na maganda ang pagiging torpe niya.

"Det," mahinang sambit ni Jean at agad na nilapitan ang kaibigan at niyakap ito. Tanghali na nang maisipan niyang puntahan ito sa bahay nito. Wala siyang ibang mapagsabihan ng nararamdaman niya. Nahihiya rin naman kasi siyang mag-emote ng bongga sa harap ng ina kaya naisipan niyang puntahan na lang sa bahay nito si Detalie.

"Hindi ko na talaga siya maintindihan Det... bakit ganoon? Obvious naman na pinapakita ko sa kanyang mahal ko siya, saka parang ganun rin siya sakin. Ramdam ko namang mahal rin niya ako eh. Bakit hindi pa niya masabi? At kung nasasabi man niya eh lasing siya. I'll be leaving few months now. Ayokong umalis nang hindi ako sigurado sa nararamdaman niya para sakin."

Gumanti ito sa yakap niya. Umiiyak na siya nang mag-ring ang cellphone ni Rave. Nag-excuse ito para sagutin ang tawag at pinaupo naman siya ni Detalie at hinayaang kumalma.

"Friend, alam mong mahal na mahal ko si Nathan, pero alam mong hindi ko rin kaya na ako ang maunang umamin. Nahihirapan na ako. Kagabi nag-I love you siya ulit sakin. Det, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. As in super malapit na kaming umalis at-- yeah, yeah! Talk to the hand." Ang dami na niyang sinabi pero nakaharap lang pala sa kanya ang kaibigan ngunit ang mata nito ay naroon kay Rave.

Binalingan siya nito at abot-tengang nakangiti. Napangiti na rin lang siya nang mapansin ulit ang kakaibang glow sa mukha ng kaibigan. "You're soin love with him Det."

"Ganoon ba ako ka-obvious friend?"

She smiled. "Just like how obvious I am on showing Nathan how I much I love him pero hindi lang niya matanggap-tanggap. I envy you girl, at least kayo ni Rave talagang mag-on. HE had asked to be her girl, pero kami ni Nathan, we might be showing the world like we're on pero hanggang doon lang pala iyon. Wala talagang kami."

"Malay mo, hindi pa ngayon pero sa huli eh kayo rin talaga,"anito.

She sighed. " Sana nga Det. I think I need to go now. Wala rin naman sigurong mangyayari kung iiyak at iiyak lang ako dito."

Tumayo na siya at nagpaalam sa kaibigan at nobyo nitong papalapit na sa kanila. Bago umuwi ay nagtungo muna siya sa beach na pinuntahan nila kagabi. She smiled when she remembered what had happened last night. Kung naaalala lang sana ni Nathan ang sinabi nito sa kanya kagabi. Napangiti rin siya nang makita ang ilang mga bata na masayang naglalaro doon. Ilang sandali pa ng pag-eemote ay umuwi na rin siya.

"Oh! Shit--" naging maagap naman siyang saluhin ang papatumbang gitara.

"Yozack!!! Izaack!!!" hindi niya mapigilang sumigaw nang muntik nang bumagsak sa sahig ang gitara niya. Kung paano naman kasi iyon umabot malapit sa pinto, ang mga kapatid lang niya ang alam na gagawa niyon.

Umupo siya sa kama niya at inilabas sa lalagyan ang gitara and she started strumming and sang the chorus of her favorite song.

"Nothing's gonna change my love for you, you ought to know by now how much I love you. One thing you can be sure of, I'll never ask for more than your love."

Nakakainis naman eh! Bakit pa kasi kay Nathan na yun ako na-in love ng ganito? Kainis!

After that night in the beach ay balik ulit sila sa normal ni Nathan. Sa konting panahon na natitira para magsama sila ay mas lalo lang nahuhulog lang ang puso niya para sa binata. She really can't help it dahil sa araw-araw ring ginawa ng Diyos ay lalo rin lang itong nagiging sweet sa kanya.

Months turned into weeks. And weeks turned into days. And finally it's their graduation day and tomorrow she'll be leaving. Abala na siya at ang pamilya niya sa paghahanda para pumunta ng SJA. Pagdating nila roon ay marami na ang tao. Hinanap ng mga mata niya si Nathan. She saw him in his red long-sleeves.

Abot tenga ang ngiting lumapit ito sa kanya. She smiled back. He's undeniably handsome eversince she had known him. At lalo lang itong nagiging gwapo sa paningin niya kapag nakangiti ito.

"Kinakabahan ako!" anito nang makalapit na sa kanya.

"Akala ko Valentines ngayon," biro niya.

"Ang sama nito! Nagpa-gwapo na nga ako ng husto tapos yan lang sasabihin mo sakin. Sumusobra ka na ha."
She chuckled.

"Congratulations Jean. Eto nga pala, gift ko para sa'yo." Inabot nito sa kanya ang isang rectangular box. "Buksan mo."

"Pwede bang mamaya na lang? Di ka naman masyadong excited." Natatawang binuksan niya ang box pero walang laman iyon.

Natawa ito sa reaksyon niya. "Mamaya ko na nga ibibigay. Paunang gift lang iyong box. Saka meron namang laman iyan. Tingnan mo pa."

Tiningnan pa nga niya iyon gaya ng utos nito. Nasa likod ng takip pala ng maliit na box ang sinasabi nito. May nakatuping papel roon at kinuha niya. Binuklad niya iyon sa harap nito and there she saw a sketch of man handing a rose. Front view iyon tila siya talaga ang inaabutan nito ng bulaklak. And the man in the drawing really looked like Nathan. At pagbaling niya rito ay may hawak na itong mga bulaklak at saka iniabot sa kanya.

"Congratulations again Jean!"

Tinanggap niya ang bulaklak na ibinigay nito. "Thank you Nathan. Nakakainis ka! Hindi pa nga nagsisimula ang graduation pinapaiyak mo na ako." aniya na tinawanan lang nito.

"Ang drama mo kasi." Niyakap siya nito kaya iniwas niya ang bulaklak para hindi maipit.

"Mamaya ko na rin lang ibibigay yung gift ko para sa'yo ha."

"Yehey! May gift rin para sa'kin!" parang bata na tugon nito.

Ilang sandali pa ay tinawag na ang mga graduates dahil magsisimula na ang ceremony. Hindi sila magkatabi ng upuan ni Nathan kahit pareho pa ang kurso nila dahil alphabetical base sa surnames ang arrangement nila. Nang makaupo na ito ay nilingon siya nito at nginitian. Ang pasaway niyang kaibigan ay matamang tinitigan lang siya habang naglakad patungo sa pwesto niya. Bago rin siya umupo ay ngumiti rin siya rito.

Nagsimula ang ceremony sa isang misa. They've been recognized as graduates at tinanggap nila ang kanya-kanyang diploma. Magkahalong saya at lungkot ang nadarama niya nang mga sandaling iyon. Saya dahil matapos ang ilang taong pag-aaral ay graduate na rin siya sa wakas. Malungkot dahil huling araw na nila iyon sa San Jose at hindi iyon alam ni Nathan. Kagabi habang nag-eempake siya ng mga gamit niya ay walang tigil sa pagtulo ang mga luha niya.

Ilang oras rin ang itinagal ng seremonya. Pagkatapos niyon ay kasama niya ang pamilyang kumain. Sa bahay lang nila nag-celebrate dahil nga iyon na rin naman ang huling araw nila doon ay susulitin na nila. Her mom cooked for them. Si Nathan ay kasama rin ang pamilya nito. Nagkasundo lang silang magkakaibigan na magkikita ng alas-singko ng hapon para sabay-sabay ng magtungo sa Vicky's, ang beach resort na madalas nilang puntahan.

Doon ay nagparty sila kasama ang batchmates niya noong high school. Nagpunta rin ang ibang hindi pa graduate dahil limang taon ang kursong kinuha ng mga ito habang ang iba naman ay sadyang pasaway lang talaga. Katulad noong gabi ng alumni homecoming ay lumayo rin siya sa grupo dahil gusto niyang mapag-isa. She sat at bench under the tree at matamang tinitigan ang dagat.

She looked up at the moon and it seems to be smiling at her. Napangiti na rin lang siya. Pumulot siya ng isang maliit na bato at bago inihagis iyon sa dagat ay humiling siya. Matapos ang hiling ay inihagis niya iyon ng malakas. Akala niya hindi aabot sa dagat iyon pero napangiti siya nang umabot iyon. Ilang metro rin kasi ang layo ng kina-uupuan niya sa dagat.

"Anong hiniling mo?" she heard a voice from her back.

No need for her to turn her head dahil kilala na niya kung sino ang nagsalitang iyon. Saka sila lang ni Nathan ang gumawa ng ganun. Humihiling muna bago ihahagis ang bato sa dagat. Pauso iyon ng binata na sinakyan na rin lang niya at nakagawian na nga nila kapag nasa beach sila.

Pagkalapit nito ay kumuha rin ito ng bato at ilang segundo ay inihagis nito iyon ng malakas.

"Anong wish mo?" balik-tanong niya rito.

"Na sana ganito na lang tayo habambuhay. Me beside you and you beside me. Ikaw, anong hiling mo?"

" Sana mahalin na rin ako nung lalaking mahal ko. So that we can be together till the end."

Tila nawasak ng plano ni Nathan para sa gabing iyon. Dapat ay noon na siya aamin kay Jean pero dahil sa sinabi nitong hiling nito ay hindi niya nagawa. Matamang tinitigan lang niya ito na nakatingin sa malayo. Ang babaeng mahal niya ay may mahal ng iba. Gusto niyang umiyak nang mga sandaling iyon pero pinilit niyang pasiglahin ang sarili. Alam niyang hindi sanay si Jean na malungkot siya kapag magkasama sila.

Pumulot ulit siya ng bato at humiling saka iyon inihagis ng malakas.

"Anong wish mo?" tanong ulit nito.

" Sana matupad ang wish mo. Sana mahalin ka rin ng lalaking mahal mo."

Nagyuko ng ulo si Jean. Pinagtibay pa niya ang kanyang kalooban para hindi siya maiyak nang mga sandaling iyon. Kung alam lang ni Nathan na ito ang lalaking gusto niyang mahalin siya at makasama habambuhay. Pero hindi na nga yata nito sasabihin sa kanya ang gusto niyang marinig. Baka nga hindi talaga siya nito mahal. Dahil kung mahal talaga siya nito, ay higit kanino man ito ang may mas malaking dahilan para ipaglaban iyon dahil na rin sa pinagsamahan nila. Pero hindi nito iyon ginawa. Instead, he wished for his wish to come true not even knowing he's the man she's referring to.

"Jean, 'eto nga pala yung gift ko sa'yo."

Pumwesto ito sa likod niya at saka isinuot ang isang kwintas sa kanya. Kinapa niya ang pendant niyon. Tila pangalan na naka-engrave iyon.

"Manggagaya ka ng gift," Saka niya kinuha sa bulsa niya ang isang kwintas rin. Sa pendant niyon ay naka-engrave ang pangalan niya. Nagkatawanan pa sila ng pareho ang gift nila para sa isa't-isa. Pangalan naman nito ang nasa kanya.

"Ako kaya ang nauna na nagbigay sa'yo. Ikaw ang maggagaya diyan!" anito.

"Huwag mong tatanggalin 'yan ha!" bilin niya rito. Tumango naman ito at ginagap ang kamay niya.

"You're my best friend Jean. Huwag mo ring tatanggalin iyan ha. Malapit lang ako sa puso mo kaya kung may problema ka dun sa lalaking mahal mo, eh sabihin mo lang sakin para magulpi ko iyon."

Natawa na lang siya sa sinabi nito at tuluyan ng napaiyak. Kinabig niya ito at niyakap ng mahigpit. Bilang tugon ay niyakap rin siya nito ng mahigpit.

"I'm gonna miss you so much Nathan," sabi niya sa isip niya habang hinahayaan lang ang mga luha na mag-unahang pumatak.

"I'll always be here for you Jean. Forever." bulong nito sa kanya.

"My heart will be yours forever Nathan," sigaw ng isip niya.

Nang mga sandaling iyon, saksi ang buwan at mga bituin sa langit na iiwan niya ang kanyang puso kay Nathan. Sinumpa niya sa gabing iyon na wala na siyang ibang mamahalin kundi ito lang. She tried to enjoy the party for the rest of the night. Nobody among her friends know about her leaving. Tanging si Detalie lang ang sinabihan niya tungkol sa kanyang pag-alis.

Natapos ang gabing iyon at hindi na ulit siya nagpahatid kay Nathan. Sa sasakyan ay umiyak lang siya ng umiyak. Ang kanyang ina ang sumundo sa kanya at hinayaan lang siya nitong ilabas ang bigat ng kalooban na dinadala niya. Hindi siya nakatulog ng maayos ng gabing iyon. At bago pa man tuluyan sumikat ang araw ay umalis na ang pamilya nila.

Sinuot niya ang singsing na noon ay napulot niya nang mahulog mula sa bulsa ni Nathan. Kinapa niya ang pendant ng kwintas na bigay nito at dinama ang tibok ng kanyang puso. Walang ibang pangalan na isinisigaw iyon kundi kay Nathan lang.

I love you Nathan. I love you so much. But for now, I'll let myself grow and build my own life far from you. Sana sa pagbabalik ko ay wala pang nagmamay-ari ng puso mo. By then, hindi ko na hihintayin pang sabihin mong mahal mo ako dahil sa panahong mawawala ako sa tabi mo, mag-iipon na rin ako ng lakas ng loob para sabihin sa'yo ang tunay kong nadarama. I left you my heart and I already promised to myself that there will be no other man but you. Ikaw lang kahit hindi mo alam iyon. Please wait for me Nathan. She talked to God in silence as her tears fell down from her eyes.
  

No comments:

Post a Comment