Nathan's Confession: Chapter 8



"Tao po! Jean!!!"

Pinagpapawisan na si Nathan sa kakasigaw at kakatawag kay Jean sa labas ng bahay nito ngunit wala pa ring lumalabas para pagbuksan siya. Kanina pa siya naroon. Nagtataka nga siya kung bakit naka-lock ang gate dahil karaniwang hindi naka-lock iyon kapag ganoong oras.

"Jean!!! Yozack! Izaack!" tawag pa rin niya rito at pati na rin mga kapatid nito.

"Wala ng tao d'yan!" dinig niyang sigaw ng isang babae sa gawing kanan niya. Kapitbahay ng mga Quijano.

" Po ?" baling niya rito.

"Wala ng tao d'yan sa bahay nila Jackie. Maagang umalis kanina. Pupunta nang Canada ang mga iyon."

Napamaang na lang siya na tila hindi makapaniwala sa narinig. " Canada ?"

"Oo. Paanong hindi mo alam eh hindi ba malapit ka naman sa panganay nila?" tanong ng babae.

"Ay, nawala lang po sa isip ko na ngayon pala ang alis nila. Sige po, maraming salamat na lang."

Pagtawanan na siya nang makakakita sa kanya pero hindi na niya napigilang tumulo ang luha niya. Umalis si Jean ng hindi nagpapaalam sa kanya. Pero bakit nito iyon ginawa sa kanya? Ganoon ba siya kawalang halaga para rito? Kinapa niya ang pendant ng kwintas na ibinigay nito sa kanya kahapon lang. Lalo lang tuloy siyang napaiyak. Napasandal na siya sa motor niya at hinayaan ang sarili na ilabas ang kalungkutang nadarama niya.

"Kahapon lang hiniling kong sana magkasama tayo habambuhay, sinabi ko pa iyon sa'yo pero hindi mo man lang sinabi sakin na aalis ka?"

Tinanggal niya ang kwintas at matamang tinitigan ang pendant niyon. Naroon ang pangalan ni Jean. Habang hawak iyon ay may naramdaman siyang tila nakasulat sa likod niyon. Ganoon na lang pagbagsak ulit ng luha niya nang mabasa ang maliliit na letrang nakaukit doon.

"N, I love you. ZJ"

Hindi man lubusang naiintindihan ang kanyang nararamdaman ay isinuot niya ulit ang kwintas. At idi-nial ang numero ng isang kaibigan.

"Det? Anong alam mo tungkol sa pag-alis nila Jean? Kelan sila babalik?"

"Nathan," tila nagdadalawang-isip na sagot ng kaibigang si Detalie.

"Come'on Det! Nakaalis na sila. Sabihin mo naman sa'kin please. Bakit hindi nabanggit sakin ni Jean na aalis sila?" His tears kept falling. Hindi niya iyon mapigilan.

"She loves you Nathan."

"Damn! Bakit hindi niya sinabing aalis siya?"

"Don't raise your voice at me Nathan. Kung hindi man sinabi sa iyo ni Jean na aalis siya eh wala akong alam dun. Ang alam ko lang ay mahal ka ng kaibigan ko at natatanga na siya sa kakahintay na sabihin mong mahal mo rin siya. Dahil alam mo, ikaw, duwag ka!!!"

"Sorry." tanging sagot niya. Tama si Detalie. Naging duwag siya.

"Nakaalis na sila Nathan. I don't when are they coming back. At kung itatanong mo sakin ang address nila eh hindi ko pa alam. Malamang nasa Manila pa ang mga iyon o kaya nasa byahe na."

"I love her Det," he said in tears.

"You should have told her that before it became too late. Sige, I need to end this now, may gagawin pa ako."

"Ok, thanks."

"Bye."

"Bye."

Napatitig na lang siya sa bahay ng mga Quijano at gumawa ng kanyang sariling disisyon. Alam niya, alam ng puso niya na hindi pa huli ang lahat. Hihintayin niya si Jean. Maghihintay siya sa pagbabalik nito kahit pa gaano katagal iyon. He promised to himself that there would be no other girl for him, but Jean.

Hindi pa man lubusang nakakapagpahinga si Jean mula sa mahabang byahe ay nagsulputan na agad sa bahay nila ang kanyang mga pinsan. Nagyaya agad itong gumimik na hindi naman niya matanggihan. Somehow, she missed them. Ilang taon na kasing nanirahan ang mga ito roon at excited na itong makasama siya. Maging siya man ay ganoon din, partly.

"Hey couz! Aren't you enjoying the night?" malakas ang boses na tanong ng pinsan niyang si Elise. Batid niyang malakas na ang boses nito dahil malakas rin ang tugtog sa bar na kinaroroonan nila.

"I am enjoying! Medyo pagod lang." tugon niya.

"Sorry couz, We're just so excited to have you here with us! We should have let you rest first!" sabi naman ng isa pa niyang pinsan na si Zain.

"Ayos lang," she smiled para ipakita sa mga itong ayos lang talaga siya.

Ilang sandali pa ay nagpaalam ang dalawang pinsan niya na hahataw lang daw sa dance floor. Hinayaan naman niya ang mga ito dahil obvious na enjoy na enjoy na talaga ang mga ito. She took a sip of her drinks while watching her cousin's getting wild in the dance floor. Nahawa na yata ito sa mga banyagang ugali roon.

"Hi there!" She heard a deep man's voice. Maganda ang boses ng lalaki pero hindi siya sigurado kung siya nga ang binabati nito. Lumingon siya sa pinagmulan ng boses and she was greeted by a very handsome face smiling at her. Parang kung kasama lang niya ang kaibigan si Yram ay baka nagtititili na ito sa sobrang kilig. But for her walang effect iyon. Tama na ang nagwapuhan siya rito.

"Hi!" Bati ulit nito saka umupo sa bakanteng upuan sa tapat niya na binakante ng kanyang pinsan.

She smiled, tama lang para hindi siya masabihang snob. "Hi." Tipid ding bati niya at nag-iwas na rito ng tingin.

"Are you alone?" tanong nito.

"No."

"Why are you alone?"

"I'm not alone."

"But you are, now." Aba't at may kakulitan rin ang kanong ito! She can't deny it. Gwapo talaga ang lalaki. Gwapo rin naman si Nathan pero magkaiba ang ka-gwapuhan nito at ng lalaking kaharap.

"Ang kulit mo rin noh? Ayoko sa makulit kaya pwede bang lumayas ka sa harap ko?" she said in Tagalog. Naiinis na kasi siya kaya bahala na kung ano ang iisipin nito sa sinabi niya. Pero siya pa ang nagulat sa tugon nito.

"Pinoy ka? Wow! I'm Half-pinoy too! I can speak Tagalog as a proof." Lalo lang lumapad ang ngiti ng lalaki. Hindi niya alam pero biglang gumaan ang loob niya rito nang malaman niyang Pinoy ito.

"Sige nga, mag-Tagalog ka," hamon niya.

"Ako nga pala si Bryden. Ikaw anong pangalan mo?" pakilala nito sabay lahad ng kamay sa kanya.

Tinanggap niya iyon. "Jean, Zahckie Jean." tugon niya sabay bitaw sa kamay nito.

Abot-tenga pa rin ang ngiti nito at sa tingin niya ay mabait naman ang lalaki. Sinamahan siya nito hanggang makauwi sila. Ang mga pinsan niya ay hindi man lang nagawang itago ang paghanga sa lalaki dahil bago ito umuwi pagkahatid sa kanila ay hiningi muna ng mga pinsan niya ang number nito. Natawa na lang siya sa iginawi ng mga pinsan. Ito na rin ang naghatid sa kanya hanggang sa labas ng bahay nila.

"Jean, can I ask you something?" parang nag-aalangan na tanong nito.

"Yeah, sure. Ano iyon?"aniya.

"Are you engaged to be married?"

Nagulat siya sa tanong nito. Saka niya naalala ang singsing na suot niya. Nathan. She just smiled at hindi ito sinagot. Bahala na ito kung ano ang pagkakaintindi nito sa ngiti niyang iyon. Bigla niya kasing naalala si Nathan. Siguro sa mga sandaling iyon ay galit na ito sa kanya dahil sa hindi niya pagpapaalam.

"I'll go now Jean." paalam ni Bryden.

"Okay, salamat sa paghatid. Bye."

Nanlaki ang mata niya nang bigla ay dampian siya nito ng halik sa labi. Dampi lang iyon pero hindi niya inasahan iyon. Nakita niyang bago pumasok sa loob ng bahay ang mga pinsan niya ay dinampian ng mga ito ng halik sa pisngi ang lalaki. Alam niyang goodbye kiss lang ng mga ito iyon rito. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi na niya nagawa pang bulyawan ito dahil malayo na ito sa kanya.

She touched her lips and cried. Paano niya nagawang hayaan ang lalaking iyon na halikan siya gayong wala pa yatang isang araw na nangako siya sa sariling wala ng ibang lalaking mamahalin ang puso niya kundi si Nathan lang. Pinahid niya ang luha at hinawakan ang pendant ng kwintas na regalo sa kanya ni Nathan.

"I'm sorry Nathan. I didn't saw that kiss coming. Hindi ko na hahayaang maulit iyon. I miss you so much."

The next day Bryden apologized to her at pinatawad niya ito. Hindi na lang niya ginawang malaking issue pa iyon para makalimutan na rin lang agad. Isa si Bryden sa naging malapit na kaibigan niya sa bagong lugar na tinitirhan nila. Malaman niyang hindi pala kalayuan ang bahay nila rito kaya madalas rin itong dumadalaw sa kanila. Maging ang pamilya niya ay kilala na rin ito. Madalas rin ang mga pinsan niya sa kanila dahil nga naroon ang lalaki.

Naikwento rin niya kay Bryden ang tungkol kay Nathan. Sinabi pa nito sa kanyang ang duwag daw ni Nathan para hayaan siyang umalispero ipinaliwanag naman niyang hindi nito alam ang tungkol sa pag-alis niya. And then later she knew the reason why Bryden had kissed the first night they met. Namatayan pala ito ng fiancee at nakita nito iyon sa kanya. Nagulat pa siya nang makita ang litrato ng babae dahil medyo kahawig nga niya.

Ilang taon niyang tiniis na hindi makipag-communicate kay Nathan. Alam niyang tama lang na hindi niya muna isipin ang lalaki. Mahal niya ito pero kasabay ng pag-iipon nya ng lakas ng loob para sabihin dito ang kanyang tunay na nararamdaman ay sinisimulan rin niyang tuparin ang kanyang pangarap. Kasama niya si Bryden sa pag-abot ng mga pangarap na iyon. At first, they put up a small pizza parlor. Makahiligan kasi nila ni Bryden ang paggawa ng pizza kaya sinubukan nilang i-negosyo iyon.

Naging part-time model pa sila para makapag-ipon ng pang-capital. Ngayon ay malaki na ang pizza parlor na sinimulan nila at mayroon na rin itong branch sa ibang bahagi ng bansa. Naging matatag lang lalo ang samahan nila ni Bryden.

Five years had passed and now they're both successful. Alam niyang pati si Nathan ay successful na rin. Binalita sa kanya ni Detalie na mayroon na daw itong restaurant sa San Jose at ZJ's pa ang ipinangalan nito. He missed him so much. At sa susunod na buwan ay nakatakda na ang pagbabalik niya sa Pilipinas. For business and personal reason.

"I never saw you took that ring off your finger Jean," tanong ni Bryden sa kanya. Nasa labas sila ng bahay nila nang mga sandaling iyon.

"Hindi ko pa ba nai-kwento sa'yo?" nakangiting tanong niya.

Umiling ito. "Si Nathan ba ang nagbigay niyan sa'yo?"

She smiled and then laughed. "I got this from him but he did not gave this to me. Nahulog lang sa bulsa niya at pinulot ko. He's gonna give this to Hael, the girl her loves." hayag niya.

"Oh, sorry!"

"It's okay. Matagal na rin naman iyon. Saka magkikita na kami ulit. And by that time, I'm gonna tell him I love him! I'm so excited Bry."

Nagbago ang expression sa mukha nito. Tila may mabigat itong dinadamdam. Ginagap nito ang kamay niya at matamang tinitigan siya sa mata. Batid siyang may sasabihin ito na ikinakaba niya.

"Jean... I love you."

Tila binagsakan siya ng malaking bato ng mga sandaling iyon. Bryden is confessing his love for her and she can feel the sincerity of his words. Pero hindi rin matutugunan ang pagmamahal nito sa kanya. Mahal niya ito pero hanggang kaibigan lang talaga iyon.

Binawi niya mula rito ang kanyang kamay. "Bry, you know I love him. I'm sorry."

Patayo na siya nang isang mailmanang dumaan sa labas ng gate nila at naghulog ng isang sobre. Instead na isipin ang sinabi ni Bryden ay kinuha na lang niya ang laman ng mailbox. Shocked but the letter came from the Philippines. At super shock dahil kay Nathan galing iyon.

Bumalik siya sa kanina'y inuupuan. Hindi na rin nagsasalita si Bryden. Alam niyang naiintindihan siya nito. Dati kasi ay umamin na rin ito sa kanya, pero apat na taong nakalipas na at nawala na rin sa isip niya iyon.

Binuksan niya ang sobre at kinuha ang laman niyon. Natigilan na lang siya nang isang picture ni Nathan na nakangiti at may kargang cute na baby ang nabungaran niya. The baby looks like Nathan but the younger version. Natutop niya ang bibig sa pagkabigla at nanginginig ang kamay na binuklat ang sulat.

Hey Jean! I got your address from Detalie. Wag kang magalit sa kanya dahil pinilit ko talaga siya. Gusto kitang kunin na ninang ng anak ko. I'm sure you'd be the best ninang for him. Sana nga makauwi ka sa binyag niya. It's two months from the date of this letter. Isusulat ko lang yung name mo sa list ng mga ninang kapag sinagot mo ang sulat kong ito. Alam kong hindi mo ako matatanggihan. I miss you so much Jean. And I'm dying to see you!

And by the way, he's name is Zack! Tingnan mo lang kung gaano siya ka-cute! Manang mana sa daddy! Punta ka sa binyag ha! I really, really wanna see you again.

Nathan

"Bry... m-may anak na siya." Napatayo siya mula sa pagkakaupo at ganoon na rin si Bryden. Sinalubong siya nito at mahigpit na niyakap. Gumanti na rin siya sa yakap nito.

At that very moment she felt so hopeless. She cried in Bryden's shoulder at sinubukan siyang patahanin nito pero walang epekto iyon. Kung dati ay parang tinutusok lang ng karayom ang puso niya dahil hindi siya mahal ni Nathan, ngayon ay tila dinudurog na iyon. Wala ng pag-asa na matugunan pa anng anumang nararamdaman niya para sa kanyang matalik na kaibigan. Hindi na niya kailan masasabi pa rito na mahal niya ito.

She cried all her hurts. Nathan is a familied man now, a father, and the most bitter fact... He is married.


No comments:

Post a Comment