Nathan's Confession: Chapter 9



"Welcome back friend!!!" malakas na bati sa kanya ng kaibigang si Detalie. Karga nito ay isang cute na cute na bata.
"Ang ingay talaga ng babaeng 'to, akin na nga muna si baby," ani Rave sabay kuha rito ang bata.

Napangiti na lang siya habang tinitingnan ang kaibigan na ibinigay sa asawa nito ang bata. She knew Rave and Detalie would end up together. Kahit pa ilang buwan ring nagkahiwalay ang dalawa. She is now happy for her friend.

"So, kumusta ang buhay sa Canada?" maya-maya ay tanong ni Detalie sa kanya nang nakaupo na sila.

"Hindi pa rin naman nagbabago ang pangalan ng bansang iyon," birong sagot niya.

"Yeah whatever! So pupunta ka sa binyag ng anak ni Nathan?"

Natigilan siya. Hindi niya inasahang bubuksan agad ni Detalie ang topic na iyon. Pero isang linggo rin niyang pinag-isipan iyon.

She faked a smile. "For old times sake, yes."

"The baby is really cute Jean. Kamukhang-kamukha ni Nathan. I'm sure magugustuhan mo ang batang iyon. And he needs a mother,"

"What-"

"Here's Nathan! Hey, we're here!"

"What???" Napalingon siya sa direksyon na kinawayan nito.

Anong ibig nitong sabihin sa huling sinabi nito? Hindi iyon naging malinaw sa pandinig niya. Kadarating lang niya at hindi pa nga siya nakakapagpahinga ng maayos ay heto at nagulat na naman siya. Hindi niya inaasahang sasabihin ni Detalie kay Nathan na darating siya.

"Natha-"

"I missed you so much Jean!" he hugged her tightly as soon as he reached her.

"I-I missed y-you too," tugon niya at napayakap rin dito.

Pero ilang sandali pa ay kumalas rin siya sa pagkakayakap nito. Dahil ilang sandali pa sa bisig nito ay bumigay na naman ang puso niya. Hindi na niya pwedeng mahalin si Nathan. Mahirap mang tanggapin ay pinipilit niya dahil iyon ang tama.

"Friend, maiwan ko muna kayo ha. Pupuntahan ko lang si Rave at ang baby. Ah, well enjoy your reunion!"

Ilang sandali pa ay nakalayo na si Detalie. Nasa isang resort sila nito na kung saan rin ang permanenteng tirahan ng mag-asawa. Naglakad sila ni Nathan patungo sa baybaying dagat. Pagdating nila roon ay pumulot agad ito ng isang bato, humiling at inihagis iyon.

"Anong hiniling mo?" she asked.

"Na sana hindi ka na umalis ulit at hindi mo na ako iiwan pa," seryosong sagot nito habang matamang tinitigan siya sa mata.

"Ikaw wala ka bang wish?"

"I got rid of the old habit Nathan. Wala na rin naman akong mahihiling pa." tugon niya. Kung alam lang nito na sa isip niya, wala ng katuparan ang anumang hiling niya dahil pagmamay-ari na ng iba ang lalaking mahal niya na walang iba kundi ito rin lang. Mula noon, hanggang ngayon.

"So you ended up together?"

Nag-angat siya ng kilay. "Who?"

"The man you wished for bago ka umalis. Yung lalaking sana ay mahalin ka rin."

She remembered. Iyon nga yung hiling niya noong gabing nakasama niya ito bago siya umalis. She smiled at him. Tila ba gusto niyang sabihin na hindi na kailan man matutupad ang hilng niyang iyon. She was about to say no when Bryden came running to her.

"God, Jean! You made me so worried! I thought you're leaving this place without me. I didn't come here para pabayaan ka lang." puno ng pag-aalalang sermon ni Bryden. Kahit kailan ay ang OA talaga nito. Ilang minuto pa lang naman siyang lumabas ng kwarto niya at naglagay siya ng note roon para alam nito kung saan siya hahanapin.

She noticed na nagsalubong ang kilay ni Nathan habang nakatitig kay Bryden.

"Don't worry now. You see, I'm fine."

Kumalma naman ito. Noong nakaraang araw, habang nag-eempake pa lang siya ay kinukulit na siya nito para makasama sa kanyang pag-alis. Sa huli ay wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag. Akala pa man din niya ay mag-eempake pa ito, yun pala mas ready pa ito sa kanya.

"Good."

Lumapit siya kay Bryden at kumapit sa braso nito. Kelangan niyang gawin iyon dahil pakiramdam niya ay bibigay na ang tuhod niya. Habang tumatagal na nasa paligid si Nathan ay lalo lang siyang nasasaktan na tila ba buong sistema niya ay naaapektuhan.

"Ah, Nathan, this is Bryden. Bry, si Nathan."

Nagkamay naman ang dalawang lalaki. Halatang nagulat si Bryden nang malaman na si Nathan na pala ang kaharap nito.

"It's nice to finally meet you pare!"

Tumango lang si Nathan bilang tugon rito.

"I can't believe I've been waiting for...this. Magkita na lang tayo sa binyag Jean." ani Nathan at naglakad na palayo. Naiwan sila ni Bryden na sinundan lang ng tingin ang papalayong binata.

"Bakit siya umalis agad?" nagtatakang tanong ni Bryden sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Pumasok na lang tayo at pupunta pa tayo ng San Jose mamaya."

"Wow! I'm excited to visit your hometown Jean!"

"Para kang bata!" natatawang sabi niya rito.

That day ay bumyahe na patungong San Jose si Jean kasama si Bryden. Nagpaalam at nagpasalamat rin sila sa mag-asawang Detalie at Rave sa magandang accommodation na binigay ng mga ito sa kanila. Gabi na nang makarating sila doon.

"I'm home," bulong niya sa kanyang sarili.

Nasa labas na sila ng dating bahay nila. Doon sila tutuloy ni Bryden. Hindi kasi ito ipinagbili ng kanyang mga magulang. Dahilan ng mga ito ay para daw kung gusto nilang mag-punta ng Pilipinas ay may matitirhan pa sila. Bigla tuloy niyang namiss ang lugar. Pero wala ng dahilan para mamiss niya ito dahil naroon na siya. Back at last!

Pumasok na sila sa loob ng bahay. Maayos pa rin ang loob niyon kahit limang taon ng walang nakatira. Regular kasi nila iyong pinapalinisan sa isang kapitbahay na pinapadalhan na rin nila ng bayad. Malayong kamag-anak nila ang naging caretaker ng bahay noong umalis sila.

"Welcome to our house Bry," nakangiting sabi niya sa kaibigan na palinga-linga lang. Tila ini-inspect ang loob ng buong bahay.

"You've got a nice house here Jean."

"Yeah, and here's my room." Binuksan niya ang pinto ng kanyang silid. Naroon pa rin ang mga gamit na iniwan niya. Mabilis na ibinagsak ni Bryden ang katawan sa kama niya. Bukod kay Nathan at sa pamilya niya, pang-apat na ito sa mga lalaking nakahiga roon.

"What's that?" pansin nito sa drawing na nakadikit sa kisame.

Tumabi siya sa pagkakahiga nito. Sanay siya sa ganoong distansya nila kaya hindi na siya naiilang rito. At saka maayos na rin nilang napag-usapan na hindi na talaga hihigit pa sa pagmamahal ng isang kaibigan ang maibibigay niya rito.

Napatitig na rin siya sa kisame. And just like what she always do before, she raised her hands as if accepting the rose.

"Andyan pa rin pala iyan," malungkot na tugon niya.

"Are you okay?"

Ibinaba niya ang kamay habang patuloy pa ring tinititigan ang larawan. "Yeah. Nathan draw that for me noong high school pa kami. Just imagine how long it is posted in there," she tried to smile. "Noon madalas ko siyang kulitin na igawa ng mga drawing ng kahit sinong cartoon character. Itinago ko ang lahat ng yun. Kahit yata bato o dahon lang ang iguhit nito itatago ko pa rin iyon. I was madly in love with him and still, I am now. Pero hindi na kami pwede Bry."

Naramdaman niyang gumalaw si Bry at mataman ng nakatitig sa kanya at nakikinig sa kwento niya. Her friend was always been an attentive listener.

"High school pa rin lang kami noon nang maramdaman kong iba na ang tibok ng puso ko para sa kanya. Until one night he's drank and he told me he loves me. That time my heart finally gave in and admitted that I am really in love to my bestfriend. Tinago ko iyon dahil naghihintay ako sabihin niya ulit na mahal niya ako nang hindi siya lasing. But that day never came. Umalis na lang ako na inaasam pa ring marinig mula sa kanya iyon. Many times he told me that he loves, but all those times he is drank."

Itinaas niya ang kamay at tiningnan ang singsing na hanggang ngayon ay suot pa rin niya at nagpatuloy siya sa pagki-kwento. "Remember when you asked me about this ring and I told you this is for the girl he truly loves?"

Tumango ito then she continued. "Emerald is Hael's birthstone. This ring is not meant for my finger but for hers. Ito lang yata ang isang bagay na itinago ko na hindi naman niya talaga binigay sakin."

"He's a lucky man!"

"Luckier now."

"But he could have been the luckiest if he has you now Jean." seryosong sagot naman ni Bryden.

She sighed. Napatayo siya nang may maalala. Tinungo niya ang isang drawer malapit sa bintana at binuksan iyon. Kinuha niya ang ilang piraso ng papel at inilapag ang mga iyon sa kama niya. Bumangon naman si Bryden at napaupo.

"What are these?" nagtatakang tanong nito at isa-isang sinuri ang mga papel.

"His drawings I kept for years." she smiled.

"Jean?"

"Bakit?" tanong niya at inisa-isa ring tingnan angibang drawings.

"Ang dami nito." manghang sabi nito.

Napangiti lang siya ulit at ibinalik ang atensyon sa mga papel. Noon kahit hindi na niya kulitin si Nathan ay isinisipit na lang nito ang isang papel na may drawing sa notebook niya. Napansin na lang niyang biglang natigilan si Bryden habang hawak-hawak ang isang papel. Nagtatakang tinanong niya ito.

"Bry, may problema ba?"

"I think he really loves you Jean," anito saka ipinakita sa kanya ang papel na hawak nito at may itinuro ito roon.

Natutop niya ang bibig nang makita ang itinuro nito at kusang tumulo na lang ang luha mula sa mga mata niya. Sinuri pa niya ang ibang drawing at doon niya nakita ang maraming dahilan para umiyak. Nathan had loved her before pero iniwan niya itong hindi man lang nasabi rito ang kanyang nararamdaman. Siguro kung siya ang naunang umamin ay baka umamin na rin ito.

Sa mga drawings nito, lahat at may 'i love you Jean'. She can't believe it. Paanong hindi niya napansin iyon noon? Ngayon pang...huli na ang lahat.


No comments:

Post a Comment