"Good morning my Detalie!" masiglang bati sa kanya ni Rave nang umagang iyon, hindi pa man niya tuluyang naimumulat ang mga mata. And then she was greeted by his handsome face the moment she totally opened it.
"Rave! Paano ka nakapasok dito? Lagot tayo 'pag napasukan tayo nila mommy dito!" Natatarantang bumangon siya at itinulak ito palabas.
"Easy honey... paano ako nakapasok dito? Eh dumaan ako sa pinto. Saka nagpaalam naman akong gigisingin kita eh at pumayag naman sila mommy at daddy."
"At talagang nakiki-mommy at daddy ka na rin ha..." She smiled when he came closer to her and tightly embraced her. Naramdaman rin niya ag simpleng paghalik nito sa ulo niya. She can smell his masculine scent, hindi man siya sigurado kung maligo na ba ito at nakapagpabango na. Basta mabango ito! Lalo lang siyang napayakap rito ng mahigpit na tila ba ayaw na niya itong pakawalan.
"I love you my Detalie..." mahinang sambit nito. He was taller than her kaya kailangan pa nyang mag-angat ng mukha para makita rin ang mukha nito. Saka inilapit ang kanyang tenga sa dibdib nito. She can now hear his heartbeat which beating the same way as hers.
"I love you too Rave."
"Can I kiss you here, now?"
Nag-angat siya ng mukha at tiningnan ito ng masama. "Hindi pa ako nakakapaghilamos o toothbrush man lang at sa-"
He smiled naughtily and sealed her talkative mouth with his. Hindi na man lang siya nito hinayang matapos na magsalita. She grabbed his nape to deepen the kiss. It was so passionate and starting to make fire. Agad siyang napalayo kay Rave nang may naramdaman siya sa ibaba nito.
"Oh my gosh Rave!" she almost freaked out nang bumaba
roon ang tingin nya. Pasalamat siya na sarado ang pinto kaya hindi narinig sa labas ang pagsigaw niyang iyon.
"Oh! Sorry about that. Ginising mo eh!" he grinned.
"Sira ulo to! Lumabas na nga tayo at baka kung anu-ano pa ang magising sa'yo."
Hinila na niya ito palabas ng silid. Her heart is still thumpping fast dahil sa naging reaksyon ng katawan ni Rave sa kanya at natatawa rin. naman siya roon. Pagkababa nila ay tinawag rin sila agad ng kanyang mga magulang para mag-almusal.
Sabay na rin sila ni Rave na nagtungo sa dining area ng bahay nila. Naroon na ang mommy at daddy niya at ang kuya niya. Hinila ni Rave ang isang bakanteng upuan at pinaupo na sya saka naman ito umupo sa isa pang bakanteng upuan sa tabi niya. Nakita pa niyang ngiting-ngiti ang mga magulang niya habang pinagmamasdan sila ni Rave.
"Wag nga kayong ngumiti ng ganyan. Nakakailang eh!" sita nya ssa nga ito na tumawa lang.
"We can't help it sis! Parang isang maamong tupa ka pala kapag nasa paligid lang ang boyfriend mo!" Her brother teased.
"Shut up! Palibhasa ikaw hindi man lang nadadala dito sa bahay at naipapakilala sa amin kung sino man ang girlfriend mo."
"Pag may dadalhin akong babaeng dito sa bahay para ipakilala sa inyo, yun na ang mapapangasawa ko. Pero sa ngayon, cool ka lang muna sis. Ikaw ang dapat intrigahin ngayon eh!" tumatawa pang hirit ng kuya niya.
Tiningnan niya lang ito ng masama at ilang sandali pa ay nagsimula na silang kumain. Natutuwa siyang pakinggang ang usapan ni Rave at ng mga magulang niya na madalas rin sumingit ang kuya niya. Parang teenager kung mang-intriga ang parents niya tungkol sa love story nila ni Rave. At habang nagsasalita naman si Rave, she can't help on staring at his face. Napapangiti pa siya kahit pinagmamasdan lang niya ito. Abala ito sa pagkukwento kaya marahil hindi nito napapansin ang pagtitig niya. Pero nagkamali siya.
"Don't look at me like that Det... isipin pa nila tita eh in-love na in love ka sa'kin."
"Kapal! tse!" sabay irap rito at binalik niya ang atensyon sa pagkain. Narinig pa niya ang pagsaway ng mommy niya sa kuya niyang wala na yatang ibang magawa sa buhay kundi ang asarin siya. Nakayuko lang ang ulo niya at baka mapansin pa ng mga ito ang pamumula niya. Nagpatuloy na ulit sa pagkukwento si Rave.
After their breakfast ay naghanda na siya para sa pagbalik nila sa apartment. Lunes na kasi kinabukasan at may pasok sila. Kung sana lang mahaba-haba pa ang pag-stay nila sa kanila. Pero sa tingin niya ay okay na rin iyon para makaiwas sa pang-iintriga ng mga magulang niya. Nangako pa si Rave na babalik kapag magkakaroon ng pagkakataon.
"I love your parents Det, nakakatuwa silang kausap." Ngiti-ngiti na sabi nito sa kanya habang nag-aayos rin ng konting gamit na dala nito.
"Hindi nga halatang enjoy kang kausap sila eh."
"Eto naman, selos agad. Syempre naman mas nakakatuwa kang kausap no! Nakakatawa pa!" hirit nito.
Naniningkit ang matang tinitigan nya ito sabay lapit rito at kinurot ito sa tagiliran.
"Ah ganun! Nakakatawa pala ha!"
"Stop it Det!"
Kiniliti niya ito sa tagiliran at iniiwas nya ang kamay niya kapag pinipigilan siya nito. Malutong na nagtawanan silang dalawa. Halos kinakapos na ito ng hininga sa kakatawa. Maging siya ay hindi rin mapigilan ang sarili sa pagtawa. Noon lang niya nalaman na madali lang pala itong kilitiin. Nang tumigil ito sa pagtawa ay kiniliti niya ito ulit.
"Det, I said stop it!"
Kasabay ng paghila nito ng kamay niya ay napahiga siya sa kama. He was above her still stopping her hands. Habol pa rin nito ang hininga.
"Gotcha!" he smiled and lovingly stared at her. Hinawi pa nito ang iilang hibla ng buhok na nagawi sa mukha niya. And there she saw his face again, so close that she could almost kiss him. Even though he had kissed her a lot of times, still naeexcite pa rin siyang mahalikan nito. Nagtatalon-talon pa rin sa tuwa ang puso niya kapag ganoon sobrang lapit ng mukha nila sa isa't-isa.
Palapit ng palapit na ang labi nito sa labi niya. She's so sure that he would kiss her. Napapikit na lang siya habang hinihintay ang halik nito. She could feel his breath. How close is it? Then she felt his lips gently touched hers.
"Ooopss! Sorry!"
Sa isang iglap ay nasira ang moment nila. Parang walang isang segundo lang eh nakalayo agad ito sa kanya at siya naman ay napaupo rin agad sa kama at tiningnan ang kuya niyang kakapasok lang at nanunudyo ang ngiti. Pinamulahan na naman yata siya sa hiya. Siguradong hindi na naman siya titigilan sa pang-aasar ng kuya niya kapag nagkaroon ito ng pagkakataon. Si Rave naman kung umakto ay parang wala lang nangyari. Na parang hindi lang sila nahuli ng kuya niya sa isang eksena na nasa ibabaw niya ito at maghahalikan pa sana! Maloloka na siya!
"Sorry bro!" anang kuya niya. Aba at ito pa ang humingi ng paumanhin kay Rave. Akala pa naman niya ay gugulpihin nito si Rave pero parang tuwang-tuwa pa ito sa nasaksihan.
Tumango lang si Rave na kahit hindi man sabihin ay halatang hindi rin alam kung paano haharap sa kuya niya.
"Nasa terrace yung classmate mo dati na si Jean. Problemado yata yun puntahan mo muna."
"Okay... susunod na ako. Pwede bang lumabas ka na muna kasi nakakabadtrip tingnan yang mukha mo." asar na sabi niya sa kanyang kuya.
"Yeah right sis! Ha-ha!" sagot naman nito at mala-demonyong humalakhak bago tuluyang lumbas ng kwarto at naiwan ulit sila ni Rave sa loob. Nang tingnan niya ito ay nakangiti na ulit ito.
"Puntahan na muna natin sa labas iyong friend mo." He came near her and gave her a quick kiss on the lips saka siya hinila nito palabas ng room. Magkahawak kamay pa silang pinuntahan si Jean sa terrace. She smile feeling his hands holding hers. Hindi man lang ito nag-aalangan kahit nasa loob lang sila ng bahay nila.
"Det..." sinalubong siya ng yakap ng umiiyak na si Jean pagkakita nito sa kanila. Hindi na niya kailangang itanong pa rito kung ano ang dahilan ng pag-iyak nito. Isa lang naman kasi ang alam niyang dahilan kapag pinupuntahan siya nito sa ganoong sitwasyon. Si Nathan.
"Hindi ko na talaga siya maintindihan Det... bakit ganoon? Obvious naman na pinapakita ko sa kanyang mahal ko siya, saka parang ganun rin siya sakin. Ramdam ko namang mahal rin niya ako eh. Bakit hindi pa niya masabi? At kung nasasabi man niya eh lasing siya. I'll be leaving few months now. Ayokong umalis nang hindi ako sigurado sa nararamdaman niya para sakin."
Gumanti siya ng yakap sa umiiyak na kaibigan matapos ang mahabang litanya nito. Hinayaan na lang muna niya itong maglabas ng kung anumang nararamdaman nito. Siguradong maya-maya ay magiging okay na rin ito.
Cause everytime I hear your voice, saying my name it's sounds so sweet. Coming from the lips of angel hearing those words it makes me weak.
It was Rave's phone na nagri-ring. Sumenyas lang ito at nag-excuse muna para sagutin ang tawag. Sinundan niya lang ito ng tingin. Pinaupo na niya ulit ang kaibigan at hinayaan ulit itong mag-senti habang siya naman ay pasulyap-sulyap kay Rave.
Sino kaya ang kausap nito? Bakit tila bakas sa mukha nito ang pagkabigla at lungkot?
Pero bakit ito malungkot? Anong nangyari? Parang kanina lang ay kitang-kita niya sa mukha nito ang saya. She lost her focus on her friend's sentiments because she was busy examining Rave's expression while talking to someone over the line.
"Yeah, yeah talk to the hand." Her friend childishly talked to her hand. Napansin yata nito ang pagkawala ng attention niya rito. Malapad ang ngiting binalik niya sa kaibigan ang tingin.
"You're so in love with him Det." halos pabulong lang na wika nito sa kanya.
She throw a glance back at Rave and then back to Jean. "Ganoon na ba ako ka-obvious friend?"
Tumango lang ito. "Just like how obvious I am on showing Nathan how I much I love him pero hindi lang niya matanggap-tanggap. I envy you girl, at least kayo ni Rave talagang mag-on. HE had asked to be her girl, pero kami ni Nathan, we might be showing the world like we're on pero hanggang doon lang pala iyon. Wala talagang kami." Jean sighed
"Malay mo hindi pa ngayon pero sa huli eh kayo rin pala talaga," sabi niya.
"Sana nga Det. I think I need to go now. Wala rin naman sigurong mangyayari kung iiyak at iiyak na lang ako rito." Tumayo ito.
Napansin niyang wala ng kausap si Rave at naglalakad na pabalik sa kinaroroonan nila ng kaibigan. She can see him smiling pero kitang-kita niya sa mga nito na hindi ito masaya. Ano ba talagang nangyari Rave? Sabihin mo naman sa akin. Bakit kasi ganito na lang ang kabang nararamdaman ko?
Umalis na si Jean at naghanda na ulit sila ni Rave. Papasok siya sa kwartong ginamit nito nang marinig rin niya ang pagtunog ulit ng cellphone nito mula roon. Out of curiousity ay tiningnan niya kung sino ang caller nito.
Nagtaka siya nang makita ang pangalang Jovy sa screen. Naisip niyang baka ibang Jovy. Naliligo pa kasi si Rave at hindi nito narinig ang pagtunog ng cellphone. Nag-end ang pag-ring niyon at ilang saglit pa ay isang message ang natanggap nito.
Ilang sandali pa ulit ay tumatawag na ulit ang Jovy so she decided to answer the call. Baka kasi importante at sasabihan na lang niyang naliligo pa si Rave. She get the phone and pressed the answer key.
"He's dead Rave. Martin's gone now." humahagulhol na sabi ng nasa kabilang linya. "Our cousin's gone." dugtong pa nito. A sudden tear dropped from her eye. Confused. Shocked. Sad. Ano bang nararamdaman niya?
"Det--"
Mabilis siyang nilapitan ni Rave at kinuha sa kanya ang cellphone nito.
"Y-you are... c-cousins? You and M-martin are cousins?"
No comments:
Post a Comment