Rave's Confession: Finale



"Y-you are... c-cousins? You and M-martin are cousins?"


Hindi siya makapaniwala sa natuklasan niya. Paanong hindi niya nalaman iyon? Sabagay, hindi sa San Jose lumaki si Rave kaya hindi niya talaga aakalaing magpinsan ito at si Martin.


"Det, let me explain."


"Yeah, you really have to explain!"


"I will explain to you everything pero pwede bang magbibihis muna ako?"


Bumaba ang tingin niya sa tuwalyang nakatapi lang rito. At saka siya agad na nag-walk-out. Paano nagawang itago ni Rave sa kanya iyon? Kaya ba hindi man lang ito nagselos nang makita sila nitong magkayakap ni Martin?


She never expected sa unang araw pa lang na pagiging sila ni Rave ay problema agad ang kakaharapin niya. Handa na ba siyang pakinggan ang kung anumang paliwanag ni Rave? Saka naman pumasok sa isip niya si Martin at tila nakadama siya ng lungkot sa pagkaalamang wala na ito. Hindi na niya namalayan ang pagtulo ng luha niya. Kahit naman kasi papaano ay may pinagsamahan rin sila nito.


Ilang sandali pa ay natanaw na niya si Rave na palapit sa kanya.


"Pwede na ba akong magpaliwanag ngayon?" seryoso ang mukhang tanong nito.


"No. Pupunta tayo kung saan naroon ang labi ni Martin."


"But--"


"No buts Rave. Alalalahanin mo na lang na may kasalanan ka pa sakin."


"Sigurado ka bang kakayanin mo ng makita ang labi niya?"


Tumango siya kahit hindi siya sigurado kung kakayanin nga niya. Nang malaman rin niyang namatay ito ay sari-saring alaala nito ang bumalik sa isipan niya. Pinipigilan lang niya ang maiyak ng todo. Ayaw niyang makita iyon ni Rave. Hindi lang naman kasi siya nalulungkot sa pagkawala ni Martin, nasasaktan rin siya sa pagtatago ni Rave sa kanya ng katotohanan.


"Detalie..." mahinang sambit ng ina ni Martin ng kanyang pangalan nang makita siyang papasok sa loob ng bahay nito. Bakas sa mukha ng ginang ang lungkot at pagluluksa sa nawalang anak. Di na rin tuloy niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.


"Tita..." yumakap siya sa ginang at ganoon rin ito sa kanya. Napahagulhol pa siya nang hindi niya inaasahan.


"My son had loved you so much Det kaya parang anak na rin ang turing ko sa'yo. Kahit sa huling sandali ng buhay niya he still had managed to tell me na sabihin ko raw sa iyong he wishes all the best for you. He had always thought about you during his hard times Det."


"He may rest in peace Tita. I know he's been a good son to you cause he's such a good man."


Nakita niya ang paglapit ni Rave kay Jovy at nakita rin niyang may inabot ang babae rito pero hindi na siya nag-abala pang itanong rito kung ano iyon. Nabawasan na ang tiwala niya rito. Mula rin noon ay kausapin-dili niya si Rave.


Bumalik sila sa apartment nang araw ring iyon dahil may pasok pa sila kinabukasan. Umuwi rin lang siya sa araw ng libing ni Martin pero hindi sila magkasabay ni Rave. Ngunit nang araw ring iyon ay isang sulat ang inabot ni Rave sa kanya na mula raw kay Martin.


"Sabi niya ibigay ko raw sa iyo ito kapag nalaman mo na ang totoo," iyon lang at tinalikuran na siya nito. Pagbalik na pagbalik rin niya ng apartment ay binasa nya iyon.


Detalie,


How are you my sweet Detalie? Siguro ngayon alam mo na na pinsan ko si Rave. Can you do me a little favor? Please don't be mad at him. Hiniling ko kasi sa kanya na bantayan ka habang wala ako noon. Ginawan rin lang niya ng pabor ang kanyang masakiting pinsan. He promised me that he'd take care of you the way I did. Kung inalagaan ka man niya ng higit pa sa pag-aalaga ko, it's already beyond my control. Gusto ko lang kasi na kung hindi rin lang ako ang makakapag-alaga sa'yo habang buhay, I want you to be with a man I really trust.

Det, you know I loved you so much and until my last breath it's your happiness I'd wish for. Kung galit ka man ngayon sa pinsan ko dahil itinago niya sa'yo ang totoo, patawarin mo siya please?

I wrote this letter para ako na ang humingi ng tawad sa'yo kung sakali ngang magalit ka sa kanya. Since everything is my plan, sa akin ka dapat magalit at hindi sa kanya. I'm sorry Det. I just love you so muh. And please forgive my cousin too.

And one last favor, will you please take care of yourself for me and choose the man who could and would take care of you and love you bravely with all his heart. :)


Martin


She folded back the paper at inilagay iyon sa side table saka siya napahiga sa higaan niya. Napatingin siya sa bintana and their he saw Rave staring at her. Kanina pa ba ito roon?


"Det, can we talk?" puno ng pagsusumamo ang tinig nito.


"Not now Rave." Tumayo siya at isinara ang bintana. Hindi na yata siya magiging handa pang marinig ang kung anumang sasabihin nito.


Ngayon malinaw na ang lahat na kaya lang pala ito nakipaglapit sa kanya dahil ginawan lang nito ng pabor ang isang malapit ng mamatay na pinsan. Tila dinurog ang puso niya sa kaalamang iyon. Hindi talaga siya mahal ni Rave. At lahat ng pinakita nitong kabutihan sa kanya ay dahil rin lang sa pabor na iyon.


Dumating na ang araw ng gradation ni Rave at naroon siya dahil member siya ng school choir at sila ang choir ng misa. Nakita pa niya ang masayang mukha nito nang tinanggap nito ang diploma at Cum Laude pa ito. Totoong minahal niya si Rave kaya proud na proud siya para rito. Masayang masaya na ito. Kitang kita niya iyon sa mukha nito. Tama nga siya sa mga inisip niyang hindi siya nito minahal. Dahil mula rin noong pag-uusap nila sa bintana, kung pag-uusap nga na matatawag iyon, ay hindi na talaga ito nakipag-usap sa kanya.


She had to accept the truth. Siya lang ang nagmahal ng totoo at ito naman ay ginampanan lang ang isang naturang role. Nagsi-alisan na ang mga tao. Hindi na rin niya napansin kung nakaalis na si Rave. Karamihan kasi ay nasa stage at nagkukuhanan ng litrato. Palabas na siya nang may marinig siyang tunog ng gitara. Gusto niya sanang dedmahin na lang iyon pero tila may boses na nagsasabi sa kanyang himinto siya sa paglalakad at lingunin ang kung sinuman ang nag-gigitarang iyon.


At sa paglingon niya ay ang naka-toga pang si Rave ang namataan niyang may hawak na gitara. Bumadya siya ng pagtalikod ulit pero pinigilan siya ng kaibigang si Erra.


"Makinig na muna tayo girl. Sino kaya ang haharanahin ni fafa Rave? Oh my God! Sa akin siya nakatingin." kinikilig na wika nito.


Walang ibang nakaalam na naging sila ni Rave ng isang araw o baka nga kalahati lang maliban sa mga taga San Jose na naroon noong Alumni Homecoming. Tila napako na rin siya sa kinatatayuan sa higpit ng paghawak sa kanya ni Erra.


"Ikaw na lang ang makinig, masama kasi ang pakiramdam ko," akmang tatalikod na ulit siya nang pigilan na naman siya nito.


"But she's looking at you Det,"


Noon siya napatingin ulit dito dahilan upang magsalubong ang kanilang mga mata. Hindi na niya nabawi pa ang pagkakatitig dito. Tila tumigil ang oras ng mga sandaling iyon. Handa na ba siya sa kung anong sasabihin ni Rave?


Ipinagpatuloy na ulit nito ang pagtugtog nang mapansing hindi na siya nagbabadyang umalis. Malayo man ang distansya niya rito dahil nasa gitna ito ng gym, may hawak na gitara at isang kaibigan nito ang may hawak ng microphone, siya naman ay nasa pinto na ng gym. Bigla ay naalala niya ang gabing naging sila ni Rave. Siguro nga kailangan na niyang harapin ang kung anumang mangyayari sa kanila. She has to be brave and she has to be happy gaya ng hiling ni Martin. Without breaking the contact between them ay nagsimula na itong kumanta.


"Di malaman kung ano ang gagawin sa damdamin na di ko maamin, sa sarili kung bakit ka pa ba nandiyan. Sabi-sabi ng mga kaibigan ko huwag mong pilitin ang hindi para sa'yo Ngunit bakit hindi kita makalimutan Sayo ba'y OK lang."


Nagsimula na itong maglakad papalapit sa kanya habang pinagpapatuloy ang pagkanta. Pinagtitinginan na sila ng mga tao pero tila wala pa rin itong pakialam. Nariyan pa man din ang mga magulang nito.


"Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala. Tumitindi, umiinit, sumasakit and dibdib. Kaya ako'y gumawa ng awiting ito na alay ko sa'yo At sana'y pakinggan mo. Huwag ka sanang magugulat sa akin Di ako sanay sa ganitong suliranin Huwag kang matakot hindi ako manloloko Kung OK lang sa'yo."


Now he's so close to her. Still the people's eyes are on them.


"Ngayong alam mo na, sana'y di ka mainis. At pasensya na kung ako ay makulit pero kung gusto mo, ako na lang ang lalayo Kung OK lang sa'yo. Kung OK lang sa'yo."


Isa-isang nag-unahan sa pagpatak ang luha niya. Hindi niya batid kung ano ang dahilan ng mga luhang iyon. Inabot ni Rave sa mga kaibigan ang gitara at ibinalik ang tingin sa kanya.


"Det--"


"Congratulations Rave! I'm so proud of you," aniya saka biglang yumakap rito.


"Oh God! I missed you so much Det!" gumanti rin ito ng yakap sa kanya. His arms on her waist and her arms on his nape. Ilang segundo rin silang nasa ganoong ayos bago siya kumalas mula sa pagkakayakap nito.


"Det, bago ka pa tumanggi at hindi makinig sa paliwanag ko eh sasabihin ko na. Inaamin ko pumayag lang ako sa pabor na hiniling ni Martin sa akin noon. Pero hindi lang dahil sa may sakit ito ang aking tanging dahilan kaya ako pumayag. Noon pa man ay gusto na kita pero alam kong girlfriend ka ng pinsan ko. Alam ko rin na wala kang alam tungkol sa sakit niya saka ang plano niyang hiwalayan ka. All his alibis alam ko iyon. Alam ko ring mahal na mahal ka niya. At first hindi ako pumayag sa pabor niya pero that day na nakipagbreak si Martin sa'yo, I heard and saw you crying. Nasa bintana lang ako noon. And from that moment on pinangako ko sa sarili kong hindi ka na kailanman iiyak dahil aalagaan na kita."


Tuloy-tuloy pa rin ang pagpatak ng luha niya. She can't help it at the moment. She's bursting out with her emotions. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.



"Det, all those things I've done to you hindi lang dahil sa pabor ni Martin iyon. Ginawa ko na lang na dahilan ang pabor niya para makalapit sa'yo. Detalie I love you so much at bago pa man nawala si Martin ay sinabi ko na iyon sa kanya. That's when he wrote the letter I gave you. Kilala ka na daw kasi niya at para siya na raw ang makahingi ng sorry pag nagalit ka."


"So kung hindi mo ako narinig at nakitang umiiyak eh hindi magbabago ang isip mo?" she asked in curiousity.


"Since the day I found myself liking you hindi na iyon nawala pa. Instead it turned out that I'm falling for you everyday I saw you. Speacially when I saw you sleeping from my window." he smiled.


"Sigurado kang pag tulog lang?" nag-angat siya ng kilay.


"Uy! Wag mo kong pag-isipan ng masama dyan ha! Wholesome akong tao no!" depensa nito. Nagkatawan naman sila. Maging ang ibang tao na tila nanonood ng teleserye ay nakitawa na rin sa kanilang dalawa.


"I love you so much Detalie,"


"I love you too Rave, and I missed you so much."


He was about to kiss her when a man in his late 40's tapped Rave's back.


"Why don't you get a room young man!"


"Oh! Yeah, sure dad!"


Napuno ng tawanan ang buong gym. Ang natitirang tao nalang kasi roon ay ang mga taong nanonood sa eksena nila.


Three years have passed at lalong lumalim lang ang pag-iibigan nila ni Rave. A year after Rave graduated ay siya naman ang tumanggap ng diploma. Like him, she graduated Cum Laude. Now, they're both a Certified Public Accountants and successful in their chosen careers.


Rave managed their family business. The resort and chain of restaurants. Siya naman ay mayroon ng sariling flower and gift shop. Kahit busy man sa kanya-kanyang trabaho, they still managed to have time for each other. Now, they are engaged to be married at kailangan nilang pasalamatan ang isang taong naging tulay ng pagkakalapit nila.


They're standing before Martin's tomb. Rave's hands on her waist.


"Martin, I'm sure you're happy for me now kung nasaan ka man. I already found the right man and thanks to you. Kung hindi mo ako pinaiyak noon baka hindi pa pumayag itong pinsan mo sa pabor mo." she chuckled and continued talking. "Pasensya ka na kung ngayon lang ulit kami nakadalaw ha, ito kasing pinsan mo laging busy eh."


"Oh bakit ako? Ikaw rin naman laging busy ah!"


"At talagang nagde-deny pa oh. Bisitahin mo nga minsan itong pinsan mo."


"Oo insan, busy talaga ako."


"Meron nga pala kaming sasabihin sa'yo. Engaged na kami and the wedding will be two months from now. Salamat at kay Rave mo ako inihabilin. With Rave, there's nothing else I could wish for. I love him so much."


"Oh I love you too sweetheart."


"Ikaw naman magmessage." aniya.


"Insan email ko na lang sa'yo," biro nito.


"Loko-loko 'to. Sige na, baka bumangon pa iyang si Martin at magpunta sa malapit na computer shop."


"Martin, ah ano pa bang sasabihin ko? Oh well, thanks for entrusting me this lovely lady beside me. As what I have pomised you before, I will take care of her and love her for as long as I breath. Tama ka nga sa sinabi mong makulit siya, aba sobrang sakit ng ulo ang bigay nito sakin sa sobrang kakulitan. Parang bata! Gusto lagi akong i-kiss. Eh syempre--"


"Aba't ang yabang nito!" tinampal niya ito sa braso at saka naman ito nagtatakbo palayo.


"eh syempre hindi ako makatanggi kasi alipin niya ako!!!" pasigaw na dugtong nito. Ilang metro na rin kasi ang layo nito mula sa libingan ni Martin.


"Teka lang ha at gagantihan ko muna iyong mayabang mong pinsan. Pero di bale, gwapo naman!" she laughed and ran towards Rave.


"I heard that! Sinabi mong gwapo ako!"


"Whatever!"


Tumigil siya sa pagtakbo at tumahimik. Baka nga bumangon pa ang lahat ng patay sa hukay dahil sa ingay nila.


"I love you Detalie!!!" he screamed and it echoed all over the place. Patakbong lumapit naman ito sa kanya and without other words he claimed her lips. As soon as their lips parted he whispered his promise to her.


"Right before all the bones under this earth, I swear I will love you forever and I will take care of you forever."


They both laughed and kissed again.


"I love you Rave Buenavida."


"I love you more soon to be Mrs. Rave Buenavida"


And right before all the bones under the earth they shared a sensual and passionate kiss. Maloloka na yata siya. Wala na siyang mahihiling pa dahil she'll soon be marrying the best man she had ever known. Kung sana lang next time they'll be kissing like this ay hindi na sa sementeryo.


After 2 months ay nagpakasal na sila ni Rave. It was a grand church wedding gaya ng matagal na nyang pinapangarap. The exchanged their vows and I do's. And finally they sealed their promises with a kiss full of love.



-end-




PREVIOUS

10 comments:

  1. Replies
    1. super agree! :) na-iinlove tuloy ako kahit wala pa namang dapat ka-inlove-an. haha.

      Delete
  2. hahahaha!!! thanks lai.. natapos mo na rin to.. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo. hehe. welcome! napaka-gifted mo naman.

      Delete
    2. hehehe.. gifted naman tayong lahat... feeling gifted rin lang ako.. wahehehe

      Delete
    3. haha. hindi ah. gifted ka talaga :)

      Delete
  3. super like...anu nga ba ung kila nathan at jean?! drunken to love ba un?! mganda dn un!!! keep up the good work Ms Clikki!!!

    ReplyDelete
  4. Super nkakakilig...:)

    ReplyDelete